"FLAMES?" tanong ni Hanna. "As in 'yung isusulat mo 'yung pangalan mo at ng crush mo tapos ichu-chuvachuchu iyon para malaman kung ano ang feelings niyo for each other?"
Tumango si Aliah.
"Anong chuvachuchu pinagsasabi mo?" inis na sabi ni Miriam.
Inirapan ito ni Hanna, "Whatever!"
"You know what, Ayah? Sa gwapong iyon ni Seth kahit ako ipe-FLAMES ko ang pangalan naming. Malay mo mag-work," kinikilig na sabi ni Miriam.
"Hala siya. Fil-Am ka pala, Yam. Half feelingera, half ambisyosa!" pang-aasar ni Hanna sabay harap kay Aliah. "So, sa madaling sabi e crush mo si Seth, Ayah girl? Footrest! Akala ko hindi ka nagkakagusto sa lalaki? I can't believe this relevation."
"Anong relevation? Revelation 'yun, retarded!" pagtatama ni Miriam.
"Sorry, edi retarded!"
Tumingala si Miriam at sinundan naman ng dalawa ang tinitignan nito sa itaas, "Lord, tulungan niyo po ang aking kaibigan. Nagsa-suffer po siya sa kabobohan ngayon."
Nang mapagtanto ang sinabi ni Miriam ay binatukan ito ni Hanna.
Natatawang ibinaling ni Miriam ang tingin kay Aliah, "Balik tayo sa'yo, Ayah. Crush mo si Seth?"
Nag-aalangang tumango si Aliah. "Noon kasi ay parang ang bait niya sa akin. Mga bata pa lang kami, madalas na niya akong batiin at ngitian. Kaya... nagustuhan ko siya. Pero nang tumagal, nag-iba na rin ang pakikitungo niya sa akin. Siguro, kasalanan ko rin dahil sa tuwing binabati niya ako ay umiiwas ako ng tingin at hindi siya pinapansin. Nahihiya kasi ako sa kanya at ayaw kong mahalata niyang gusto ko siya. Ayos na sana 'yung ganung walang pansinan. Nasaktan lang ako nang sobra noong pinahiya niya ako."
"Pero hindi naman niya sinabi sa mga classmates niyo kung ano 'yung nakita niya, di ba?" sabi ni Hanna.
"Pero pinahiya pa rin niya si Ayah," sabi naman ni Miriam.
"Pero, 'di ba, sinauli pa nga niya sa'yo 'yung notebook mo at sinabing itago mo na bago pa makita ng iba? Ibig sabihin concern pa rin siya."
"Hindi pa rin tama ang ginawa niya. Hindi na lang dapat siya nagsalita."
"At saka hindi naman—"
"Teka nga, kanino ka ba kakampi, ha?" tanong ni Miriam.
"Kay Ayah, pero kasi—"
Itinaas ni Aliah ang kanang kamay niya, "Girls, huwag na kayong magtalo."
"Ayah, sorry," malungkot na saad ni Miriam, "binigay ko number mo sa kanya. Hindi ko naman alam na—"
"Okay lang, Yam. Nangyari na e," mahinahong sabi ni Aliah. Yumakap si Miriam kay Aliah. Yumakap din si Hanna sa dalawa.
"Han?" sabi ni Miriam.
"Yeah?" tugon ni Hanna.
"Kasali ka ba sa yakapan?"
Sabay-sabay silang natawa sa sinabi ni Miriam. "Alam niyo, Han... Yam, kapag kayo ang kasama ko nakakalimutan ko ang lungkot."
***
NAKAUWI na si Aliah. Ngayon ay nasa sala siya, nakaupo sa kulay rosas na sopa habang nanonood at kumakain ng popcorn. Subalit, hindi naman sa panonood nakatuon ang kanyang atensiyon.
Sinasariwa niya sa kanyang isipan ang araw na bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Na may isang lalaki ang lumapit at nagpahiram ng damit sa kanya upang gawing pamunas ng kanyang luha.
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...