NAPALINGON si Aliah nang marinig ang kanyang pangalan. Nagulat siya nang makita ang hawak ni Hanna, ang t-shirt ni mystery guy. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito dahil mismong siya ay hindi alam kung sino nga ang may-ari noon. Napabuntong-hininga siya at naisipang ikwento na lamang ang nangyari.
Ikinwento ni Aliah ang lahat ng kanyang pinagdaanan. Mula sa pagkawala ng kanyang grandparents, pag-bully sa kanya sa eskwelahan, paglipat niya sa Maynila, pamumuhay niya na parang isang stranger sa kanyang mga magulang, at ang pag-iisa niya. Lahat ng lungkot na idinulot nito na sinarili lamang niya ay parang isang bulkang bigla na lamang sumabog isang araw.
At ang taong may-ari ng t-shirt na iyon ay ang tanging tao na lumapit sa kanya at siyang tanging sumubok na pakalmahin ang nahihirapan na niyang kalooban. Ito ang tanging nanatili sa tabi niya sa mga panahong akala niya'y tinalikuran na siya ng mundo.
Subalit tinalikuran naman niya ang taong ito dahil natakot siya. Natatakot na siyang mapalapit noon sa ibang tao, natatakot na siyang maiwan kaya't siya na mismo ang umiiwas para malayo ang sarili sa anumang sakit na maari niyang maramdaman mula sa ibang tao.
Ang hindi niya alam ay siya na mismo ang gumagawa ng sakit sa kanyang sarili. Kinukulong niya ang sarili sa takot hanggang sa kainin na ng lungkot ang puso niya. Itinataboy niya ang lahat without knowing na kaligayahan na pala ang kumakatok sa pader na ginawa niya.
"Ayah, girl! O-M-G! He's so sweet! Sino siya? Kailangan nating malaman kung sino siya, Ayah! Baka he's the one? Oh Gosh! Kinikilig ako!" walang prenong sabi ni Hanna. Nakahawak siya sa mga braso ni Aliah at tumitili.
"'Kalma! Wag kang OA!" saway ni Miriam. Napatigil si Hanna. "Ayan! I like the sound you make when you shut up, Han! Ang peaceful ng paligid oh."
Dumampot ng unan si Hanna at ibinato iyon kay Miriam. Napahalakhak naman si Miriam sa pagkapikon ni Hanna. Matapos humalakhak ay ibinaling na niya ang atensiyon kay Aliah, "Ayah, napaka-emo mo pala talaga, ano? But, I think we really need to search for that mystery guy. Like Han said, baka he's the one? People cross paths for a reason, Ayah!"
Napatango na lang si Aliah sa sinabi ni Miriam. Paano nga kaya kung nilingon niya 'yung lalake? Paano nga kaya kung tinignan niya ang mukha nito o naglaan man lamang siya ng kahit kaunting oras para kilalanin ito? Paano nga kaya kung hindi niya pinairal ang takot noon? Paano kaya? Pero kahit gaano pa karami ang paano kaya na itanong niya sa sarili ay hindi na niya maibabalik ang pagkakataong pinalagpas niya.
"Pero," umpisa ni Aliah. Nakatingin pa rin sa kanya ang dalawang kaibigan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito habang sila'y nakatayo sa loob ng kanyang kwarto, "nililigawan na ako nila Seth at Clarence. Hindi ko na siguro siya kailangang hanapin?"
"Hindi ka ba naku-curious kung sino siya?" tanong ni Miriam.
"Yam is right, Ayah! Let's give it a try to search for her!" segunda ni Hanna.
"Him!" pagtatama ni Miriam.
"Parehas lang 'yun! Him o her parehong siya ang tagalog nun!" depensa ni Hanna. Hindi naman mapigilang matawa ni Miriam sa kaibigang si Hanna. Ngayon lang kasi ito nagseryoso sa pag-aadvice kay Aliah.
"Besides aalamin lang naman natin kung sino 'yung lalakeng may-ari nito. Hindi ka naman magtataksil at saka di mo pa naman boyfriend ang isa sa kanila, di ba? Well, malay natin si Mystery Guy pala ang iyong soulmate? Why not, di ba?" pagpapatuloy ni Hanna.
"Sige nga, Han! Define soulmate," paghahamon ni Miriam sa kaalaman ni Hanna.
"Soulmate?" pag-uulit ni Hanna. Tumingin ito sa kisame na ani mo'y naroon ang kasagutan. "Siya 'yung taong papasok sa buhay mo na magpapa-realize sa'yo ng mga bagay na akala mo okay ka na, pero hindi pa pala. Siya 'yung taong gugulo sa'yo, sa pagkatao mo, at iiwan kang nagtatanong sa sarili mo na pwede ko palang maranasan ito? o pwede pala akong maging ganito? Siya 'yung taong kayang palabasin yung totoong ikaw at magpapakita sa'yo ng realidad."
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
Teen FictionAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...