Chapter 08

877 100 81
                                    

MADILIM ang paligid, walang makita si Aliah. Lumingon siya sa kaliwa, sa kanan, kahit kaunting liwanag ay wala siyang makita. Kumapa siya ngunit wala siyang mahawakan. Kumabog ang dibdib niya, "Mom? Dad?" 

Walang sumagot.

"Mommy! Daddy!" sigaw niyang muli.

Wala pa ring sumagot.

Nagbadya na ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung nasaan siya. Tumakbo siya, baka sakaling may makita siyang liwanag o may mabangga man lamang na isang bagay.

"Ali! Ali! Ali!"

Narinig niyang may tumawag sa kanya. Hinanap niya ang pinanggagalingan ng boses. Sa di kalayuan ay nakita niya ang isang magandang babae. Pamilyar ang mukha nito sa kanya subalit hindi niya masabi kung saan ito nakita.

"Miss?" tanong niya na may paninigurado kung totoo ang babae.

"Nakita mo na siya, Ali!" nakangiting sabi ng babae at tumakbo na itong palayo.

"Miss!" sigaw ni Aliah. Hinabol niya ang babae, "Sino ka?"

"Nakita mo na siya, Ali!" pag-uulit ng babae habang paunti-unti itong naglalaho sa dilim. Nag-eecho pa rin ang boses nito, "Ali. Ali. Ali..."

***

"Ali! Ali!" Napabalikwas si Aliah sa kama niya nang maramdaman ang kamay na dahan-dahang umuuga sa balikat niya.

"Aww!" daing niya kasabay ng isang lalake, si Clarence. Nang imulat niya ang kanyang mata ay nakita niya si Clarence na nakaupo sa sahig hawak ang ilong. Naupo si Aliah sa kama at hinaplos ang masakit na noo dahil sa pagkakauntog, "Anong ginagawa mo?"

"Hang sangit nun ha," daing ni Clarence, "Balak mo ba akong pango-in?"

"Ano ba kasing ginagawa mo?" pasigaw na tanong ni Aliah at mahigpit na niyakap ang kanyang stuff toy na Spongebob, "Bakit ang lapit mo sa'kin?"

"Chilax!" sabi ni Clarence at tumayo na ito. Inalis na nito ang kamay sa ilong at tinignan kung may dugo iyon, "Ginigising kita kasi naiihi na ako. Tatanungin ko lang kung nasaan ang CR. Hindi ko naman alam na masama ka palang gisingin."

"Lumayo ka muna!"

"OA mo, ha? Di naman ako masamang tao e at saka huwag kang sumigaw. Baka marinig ka nila," bulong ni Clarence.

Natahimik sila nang makarinig ng mga yabag mula sa labas ng kwarto.

"Dad, narinig ko si Ayah. Narito na siya."

"Sweetheart, matulog ka na muna para magkalakas ka. Bukas na lang uli natin siya hanapin."

"Dad! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nawawala si Ayah! Nawawala ang anak natin! Paano ako makakatulog ngayong hindi natin alam kung okay lang ba siya o kung nasaan siya?"

"Sweetheart, naghahanap na ang mga pulis. Makikita rin nila ang anak natin. Huwag ka ng mag-alala."

"Anong huwag mag-alala? Anak ko ang pinag-uusapan dito!"

"Akala mo ba hindi ako nag-aalala? Anak ko rin siya pero, sa ngayon, wala tayong ibang magagawa kundi ang ipagdasal na safe siya."

Nakaramdam ng kirot si Aliah sa narinig na pag-uusap ng kanyang mga magulang. Nakokonsensiya siya. Subalit hindi pa siya handang harapin ang mga ito, dahil hindi pa siya handang makinig.

 "Ali, magtago tayo," bulong ni Clarence. Nakatulala lang si Aliah habang pinapakinggan ang mga magulang na nasa labas ng kwarto. Inuga ito ni Clarence sa balikat, "Hoy!"

Natauhan si Aliah sa pag-uga ni Clarence at nagmamadaling tumayo. Inutusan niya si Clarence na magtago sa cabinet. Itinago niya sa ilalim ng kama ang hinigaan nito at inilagay sa ayos ang kanyang kama. Maya-maya'y gumalaw ang door knob ng kwarto. Mabuti na lamang ay nai-lock niya ito.

Breaking The WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon