Chapter 13

777 82 53
                                    

"Good morning, mommy! Good morning, daddy!" sigaw ni Aliah habang palabas ng kanyang kwarto. Suot niya ang light blue na night gown na binili ng mommy niya. Dalaga na raw kasi siya at hindi na raw akma ang mga pajamas sa kanya.

Narinig niyang sumagot ang mommy niya mula sa kusina at ang daddy naman niya mula sa sala. Pupungas-pungas siyang nagtungo sa sala. Kinukusot niya ang dalawang mata kasabay ng paghikab.

Nang iangat niya ang kanyang tingin ay nanlaki ang mata niya. Nakita niya sina Clarence at Seth na nakaupo sa magkabilang dulo ng couch. Pina-ekis niya ang kanyang mga braso sa dibdib at buong lakas na sumigaw. "Daddy!" 

Nagulat ang dalawa sa sigaw ni Aliah at sabay na napatayo. "Ali/Aliah!"

Ang daddy niya na noo'y nagbabasa ng diyaryo ay nagulat rin. Tumayo ito at pasimpleng lumakad papuntang kusina. "H-hindi ako, anak, your mom."  

"Mommy!" muli niyang sigaw. Inilabas niya ang natitirang enerhiya sa kanyang katawan upang isigaw ito. Magulo pa ang kanyang buhok mula sa pagtulog at parang isang galit na tigre ay lalo pa niya itong ginulo. Padabog siyang nagtungo sa kusina.

Sina Clarence at Seth naman ay naiwang nakatulala sa sala. 

"Mom! Ano pong ginagawa nila dito?" inis niyang sabi. Sinadya niyang lakasan ang boses upang marinig ng dalawa. Hindi niya gusto ang pagdalaw ng mga ito nang ganun kaaga. 

"Oh.. honey, kain ka na muna," alok ng mommy niya. Limot na ni Aliah ang nangyari kahapon, ang kinaiinis lamang niya ngayon ay yung she was caught off guard. 'Yun bang nakita siya ng mga ito sa ugly-state niya. Kaya't ang kahihiyan ay dinaan na lamang niya sa galit.

"Bakit mo naman po sila pinapasok? Alam mo naman pong—"

"Psst.. honey! That's not how you welcome visitors. Don't be rude," suway ng mommy niya. "Oh! dalhin mo 'to doon." 

Inabot ng mommy niya ang tray na may lamang dalawang cup ng hot choco at dalawang platito ng sandwich. Labag man sa kalooban ay sinunod nila lamang niya ang utos nito.

Bago siya tuluyang pumunta sa sala ay inilapag muna niya ang tray sa lamesa at saka sinuklay ng kamay ang kanyang buhok. Kinapa-kapa rin niya kung mayroon siyang muta.

"Be polite, honey!" paalala ng mommy niya. Ang daddy naman niya ay pasimpleng humahagikgik sa tabi.

Muling binuhat ni Aliah ang tray at nagtungo sa sala. Inilipag niya sa center table ang tray at isa-isang inilagay sa harap ng mga ito ang pagkain. Hindi siya umiimik at ganun din ang dalawa. Noo'y nakatayo pa rin ang mga ito at pinagmamasdan lamang siya. Bakas sa mukha ng mga ito ang pangamba. 

"Kaya niyo bang kumain nang nakatayo?"

Walang imik na naupo ang dalawa habang matamang na nakatingin kay Aliah. Maya-maya'y bumaba ang tingin ni Clarence sa dibdib ni Aliah, sa beywang, at sa legs. Nakakaakit tignan si Aliah sa kanyang hapit na kasuotan na siyang nagbigay pansin sa magandang hubog ng pangangatawan.

Naalala ni Clarence noong gabing umulan at nabasa ang saplot ni Aliah. Napangiti siya habang naaalala kung gaano ka-sexy tignan si Aliah noon. Habang nangingiti ay pasimple niyang tinatakpan ng nakatikom na kamay ang mga labi habang ang kanyang siko ay nakatukod sa tuhod. 

Hindi alam ni Clarence na noo'y nakatitig pa rin siya sa legs ni Aliah. Napansin ni Aliah na ngumingiti si Clarence habang nakatingin sa kanyang legs. Lumapit siya rito at kinutusan ito, "Bastos!" 

"Aww!" daing ni Clarence. Hinimas nito ang natamaang bahagi ng ulo. Pigil na pigil naman sa pagtawa si Seth at nagkunwari na lamang na inuubo. Tinignan ito nang masama ni Clarence. Iniwas naman ni Seth ang tingin dito habang hindi pa rin maiwasan ang matawa. Inis na pumunta na lamang ng kusina si Aliah.

Breaking The WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon