♪♫♪ Ali, nasa langit na ba ako?
Mama, kayo po ba si San Pedro?
Okay lang sa akin kung ako'y dedbol na
Basta't ikaw ang lagi kong kasama
Kaya Ali, nasa langit na ba ako?
(Ali, nasa langit na ba ako?) ♪♫♪
PAGLABAS ni Aliah ng classroom ay may mga musical instruments na bigla na lamang tumugtog at sinabayan ng pag-awit ng isang lalake. Nagulat si Aliah nang marinig ang kanyang pangalan sa kanta.
Siya at ang mga kaklase niya na lumabas na rin ng classroom ay sabay-sabay na napalingon sa pinanggagalingan ng tugtog.
Nanlaking bigla ang mata ni Aliah nang makita si Clarence. Nakangiti ito sa kanya habang inaawit ang Ale ng Bloomfield. May kung anong kaba ang sumipa sa dibdib ni Aliah. Hindi niya malaman kung ito ba'y kilig o kahihiyan?
Tuwang-tuwa naman ang mga kaklase niya at sa tuwing babanggitin ni Clarence ang "Ali" sa kanta ay napapa-Ayiee ang mga ito.
"Ayah girl, Oh-my-Gee! Ang sweet niya!" kinikilig na sabi ni Hanna habang nakakapit sa braso ni Aliah.
"Ayie!" panunukso ni Miriam na may kasabay pang pagtusok sa tagiliran ni Aliah. Nang matapos ang kanta ay itinulak siya ng dalawang kaibigan palapit kay Clarence. Mga kaibigan talaga, nauuna pa silang kiligin sa'yo.
Nang nasa harapan na siya ni Clarence ay nag-init ang kanyang mga pisngi. Hindi niya ito matignan sa mga mata. Sandaling tumalikod sa kanya si Clarence at tinapik ang mga kalalakihang tumugtog ng mga instrumento. "Mga p're, salamat!"
Nakangiting tumango ang mga ito at tumayo na bit-bit ang kani-kanilang mga instrumento. Magkakasabay silang nag-vow sa harapan ni Aliah. Inabot ni Clarence sa isa sa mga ito ang hawak na acoustic guitar. Ang bawat isa ay tinapik sa balikat si Clarence bago tuluyang umalis.
Nang ibaling muli ni Aliah ang tingin kay Clarence ay nakita niya ang matamis nitong mga ngiti. "Ali, nasa langit na ba ako?"
Hindi malaman ni Aliah kung ano ang kanyang magiging reaksiyon sa tanong nito kaya't natawa na lamang siya. "Ang dami mong alam, Clarence!"
Pakiramdam niya'y natutunaw siya sa mga titig ni Clarence kaya't tinapik niya nang mahina ang kanang pisngi nito at bahagyang napabaling sa kaliwa ang tingin nito.
Noo'y nakamasid pa rin ang mga kaibigan at kaklase ni Aliah. Kinuha ni Clarence ang bag ni Aliah at binitbit ito, parang isang himala namang pumayag si Aliah na bitbitin iyon ni Clarence.
"Okay! Tapos na ang palabas, uwian na!" sigaw ni Hanna habang itinutulak nang palayo ang kanilang mga kaklase.
"Bye, Ayah! Clarence, take charge!" paalam ni Miriam. Itinuro nito ang sariling mata gamit ang dalawang daliri at itinuro rin 'yon kay Clarence bago tuluyang umalis.
Nakangiting tumango si Clarence dito at saka seryosong tumingin kay Aliah. "Kinilig ka ba?"
"Hindi, 'no! Natawa lang ako kasi pinilit mo 'yung pangalan ko sa kanta."
"E bakit ka nagba-blush?"
"Hindi kaya!"
"Nagba-blush ka e, oh!" Itinuro ni Clarence ang pisngi ni Aliah.
"Ano? Mang-aasar ka na naman?"
"Hindi. Ito naman. Ay teka," Inalis ni Clarence ang pagkakasukbit ng kanyang bag sa likod. "Nagmeryenda ka na ba? May burger ako rito."
BINABASA MO ANG
Breaking The Walls
JugendliteraturAliah Verde was raised by her grandparents in Cebu. When her grandparents died, happiness has been a thing of the past for her. She has been preoccupied by her own sorrow and minimized her contact with people. Knowing Aliah's sorrow and depression...