PROLOGUE
"Manang Flor!" Inis na sabi ni Kenedy Sylvestre pag-labas niya sa kwarto niya. Bumaba siya sa hagdan para pagalitan ang katulong na sinunog na naman ang damit niya. "Manang Flor! How many times do I have to tell you na please ingatan mo ang mga gamit ko." Sabi niya pagkakita sa katulong at iwinagayway sa harap nito ang mamahalin niyang damit na sinunog na naman nito ng plantsa.
"Naku Hija pasensya na." Hinging paumanhin nito sa kanya.
"May magagawa ba yang sorry niyo?" Mahinahon na sabi niya sa katulong dahil kahit na naiinis siya ay nanaig pa rin ang awa niya dito. "Manang naman please next time-
"Kenedy stop it" rinig niyang saway sa kanya ng Daddy niya. Nandun ito sa living room ng mansion nila at kausap ang dalawang miyembro ng security group nito. Hindi niya pinansin ang pagsaway sa kanya ng ama at nagpatuloy sa pag-sermon sa katulong nila.
"Manang next time, dobleng ingat please. Eh ang mamahal ng damit ko tapos sinusunog-"
"Kenedy I said stop it. You're being rude. Nakakahiya, nandito pa naman sina Lt. Dranreb at Lt. Evan." Saway ulit sa kanya ng Daddy niya.
Sinulyapan niya ang dalawang lalaking tinukoy ng Daddy niya. So ngayon ay siya pa ang dapat mahiya? Anong masama sa ginagawa niya? Eh pinag-sasabihan niya lang naman ang katulong nila. Tama lang naman siguro ang ginagawa niya, after all ay binabayaran naman nila ito. Tapos simpleng trabaho ay hindi nito magawa ng tama.
"Dad pinag-sasabihan ko lang siya. Look at my dress" maarteng sabi niya at iwinagayway ang damit niya na nasunog.
"Anak you have lots of clothes, that's okay. Tambak nga ang damit mo sa closet mo-"
"It's not okay Dad. Ang mahal nito eh! Didn't you know that I bought it in Paris?" Gusto na niyang umiyak dahil parang mas kampi pa ang ama niya sa katulong nila kaysa sa kanya na sarili nitong anak.
"Sa susunod kasi sa Divisoria ka na lang bumili ng damit para-"
"No Dad! Alam mo naman na I only wear branded clothes. Hindi ako nag-susuot ng basta-basta lang-"
"Kenedy watch your words." Sabi sa kanya ng ama.
Sumimangot siya bago binalingan ulit ang katulong. "Next time, don't bother to wash and iron my clothes again. Si Manang Cita na lang ang palabahin mo. Simpleng gawain kasi di mo magawa ng tama-"
"Anak next time why don't you do it on your own?" Sabad sa kanya ng daddy niya.
"What?!"
"You said it was just simple. Eh di ikaw na lang ang maglaba para wala kang reklamo."
"Really Dad?! Oh my G!" Naiinis na sabi niya. Tiningnan niya ng masama ang dalawang kasama ng Daddy niya na narinig niyang tumawa dahil sa sinabi sa kanya ng ama niya.
"What's funny?" Baling niya sa mga ito. She knew the two men dahil ito ang pinagkakatiwalaan ng Daddy niya.
Hindi naman ang mga ito nag-salita pero tumatawa pa rin. Pinaningkitan niya ito ng mga mata pero si Lt. Evan lang ang natinag at naka-ngiti pa rin si Lt. Dranreb.
"Ipasesante kaya kita diyan kay Dad." Mataray na banta niya kay Lt. Dranreb. Hindi ito natakot sa tingin niya, samantalang ang mga tao sa paligid niya ay umiiwas na sa kanya kapag tiningnan na niya ng masama.
"Kenedy ayusin mo yang ugali mo. How many times do I need to tell you na matuto kang gumalang. Kahit na anak kita ay hindi ko kokonsentihin ang ganyang asal mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na nagpapatupad ako ng batas pero ang sarili kong anak ay hindi ko ma-disiplina? I didn't raise you like that." Pangaral ng ama niya. Kahit na malumanay ang pagkakasabi nito ng mga salitang iyon ay may diin pa rin sa bawat bigkas nito.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...