CHAPTER 20
Maliwanag na ang araw ng dumaong ang sinasakyan nilang barko sa isang Port sa Samar. Ayon sa binata ay doon muna sila titigil pansamantala hangga't wala pang linaw kung ligtas ang buhay niya sa Maynila.
Hindi na rin naman siya masyadong nag-usisa sa binata. Ang mahalaga kasi sa kanya ay kasama niya ito. Alam niya na ligtas siya sa kamay nito at wala siyang dapat ipangamba, ilang beses na niya iyong napatunayan.
Habang naka-upo siya sa isang waiting area ng port ay pinanonood niya lamang si Dranreb na may kausap sa cellphone nito.
Kahit na may kausap ito sa kabilang linya ay halata sa hitsura nito ang pagiging alerto. Inililibot nito ang buong paningin sa paligid nila.
Nang ibaling niya sa ibang banda ang tingin niya ay hindi nakaligtas sa kanya ang malalagkit na tinging ibinibigay ng mga kababaihan sa bodyguard niya.
Sumulyap ulit siya kay Dranreb at hindi nga naman nakapagtatakang hanggang doon sa lugar na yun ay mangingibabaw ang angking karisma nito. Her bodyguard is wearing an all black suit. Black leather shoes, black longsleeve, at black slacks na kumurba ng maayos sa katawan nito. Wala man lang na naligaw na taba o bilbil sa katawan nito.
Naka-lagay sa braso nito ang black coat na hinubad niya dahil medyo naiinitan na din siya. Kung hindi ito sundalo ay sigurado siya na babagay ito bilang isang business man.
Nang matapos ito sa pakikipag-usap sa cellphone nito ay mabilis itong lumapit sa kanya at iginiya siya patayo.
Sumulyap ito sa hitsura niya na hanggang ngayon ay naka-gown pa din. Mukhang kailangan na nilang mag-palit dahil nahihiya na siya sa mga taong tumitingin sa kanila.
"Are you tired already?" Masuyong tanong nito sa kanya. Binigyan na naman siya nito ng mga tinging nakakapan-lambot ng mga tuhod. Sa ganda ba naman kasi ng mata nito ay talagang mai-intimidate ang kahit na sinong tititigan nito.
Nahihiya man ay tumango pa din siya sa tanong nito. Bukod sa pagod siya ay nanlalagkit na din ang katawan niya dahil sa biyahe. Nakapag-hilamos naman siya sa restroom ng barko pero hindi iyon sapat.
"Come on, may malapit ditong hotel. We we'll check in first para nakapag-palit tayo. And after that ay tutungo na tayo sa ninong ko. Is it okay with you if we'll stay sa bahay niya?"
Wala siyang nagawa kundi tumango lang dito. Kaya naman ay niyakag na siya nito paalis doon. Pumara ito ng taxi at sinabi nito na ihatid sila sa isang hotel.
Nang kumuha ito ng pera sa wallet nito ay hindi niya maiwasang hindi sumilip doon. Baka wala na itong pera dahil sa pera pa lamang na ibinigay nito sa babae kapalit ng ticket nila ay napa-gastos na ito.
Mabilis din nitong naitago ang wallet nito matapos itong kumuha ng isang libo kaya hindi niya nakita kung may pera pa ito.
Nang sumulyap sa kanya ang binata ay kaagad niyang inilayo ang tingin dito. Napangiti siya ng kunin nito ang kamay niya at dalhin sa mga labi nito.
Ang simpleng gestures na yun ay naghatid ng libo-libong bultahe ng kuryente sa katawan niya.
Nang makarating sila sa hotel ay mabilis silang naka-kuha ng kwarto. Inibot niya ang paningin sa isang magarang silid at napatingin sa malaking bed na parang nag-aanyaya sa kanya.
Gusto na niyang mahiga doon pero feeling niya ay kailangan niya munang maligo. Pero natigilan siya ng maisip na wala siyang damit na pampalit. Sumulyap siya kay Dranreb na nakatingin sa cellphone nito.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...