Balisa si Kenedy habang pabalik-balik na naglalakad sa loob ng silid niya.
"Kapag nagsusungit ako sayo o kaya ay iniiwasan kita ay ibig sabihin noon ay nagigising ako sa katotohanan na I'm just your bodyguard. At ikaw anak ka ni Mr. President, at dapat ay hindi ako nagkaka-gusto sayo. Na dapat ay wala akong espesyal na nararamdaman para sayo. Kasi sobrang taas mo, ang hirap mong abutin. Samantalang ako ay isang sundalo lang na naatasang protektahan ka."
Hindi niya maiwasang isipin ang mga sinabi ng bodyguard niya. Isang parte ng puso niya ay natutuwa sa kaalamang may espesyal na nararamdaman ito para sa kanya. Pero ang isang bahagi ay naguguluhan. Paano nito yun nasabi eh samantalang maliwanag pa sa sikat ng araw na may girlfriend ito.
Ano ito lokohan? Pampalipas oras lang siya kasi wala sa tabi nito ang girlfriend nito?
Hindi bago sa kanya ang galawan ng bodyguard niya. Ang galawan ng lalaking magfi-flirt sa ibang babae kasi wala naman ang girlfriend. Hindi yun bago sa kanya dahil galawan iyon ng mga guy friends niya.
Sa isiping iyon ay nakadama siya ng pagka-dismaya. Ganun ba siya kababa para maging side chick nito? Mukhang tama nga ang sabi-sabi na playboy ang bodyguard niya. At kung plano nitong ibilang siya sa mga babae nito ay hindi niya iyon mapapayagan. She is Kenedy Sylvestre and she will not allow herself to be a second option just because the original girlfriend is not around.
Pero duda siya sa sarili niya. Pagdating kasi kay Lt. Dranreb ay nawawala ang prinsipyo niya.
Kanina matapos sabihin iyon ni Dranreb sa kanya ay lumabas na lang ito sa silid niya. At simula ng umalis ito ay balisa na siya at hindi mapakali.
Halos mapatalon siya sa gulat ng may biglang kumatok sa labas ng silid niya. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa gulat.
Naipagdasal niya na sana hindi ang binata ang kumakatok kasi hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan.
Saka lang siya nakahinga ng marinig ang boses ng tita Stella niya sa labas. Mabilis niyang tinungo ang pinto para harapin ito.
"Hija naistorbo ba kita?" Sabi nito at dumungaw sa loob ng silid niya para siguro tingnan kung may ginagawa siya.
"N-naku tita hindi po" nahihiyang sabi niya dahil baka nga siya ang istorbo sa pamamahay nito. "Wala naman po akong ginagawa" Sabi niya.
"Akala ko lang busy ka kasi kanina pa kita hinihintay na bumaba for our dinner. Pinuntahan na kita kasi mukhang wala kang balak bumaba." Nakangiting sabi nito. Bigla siyang nahiya dahil lagpas alas syete na ng gabi at nakalimutan niya na hindi kumakain ang pamilya Morgan kapag may kulang sa hapag. Mas gusto daw kasi nito na kompleto ang pamilya sa hapag.
"I'm sorry po tita. Hindi ko namalayan ang oras. " Sabi niya at lumabas na para sumama na dito sa hapag. Lalo naman kasing nakakahiya kung paghihintayin niya ang mga ito.
"Okay lang anak, yung dalawang binata ko nga ay wala pa rin sa hapag. Pinapasundo ko na sa kwadra ng mga baka." Sabi nito at umabrisete ang mga kamay sa braso niya. Napangiti siya at parang hinaplos ang puso niya sa simpleng gesture na yun ng ginang. Sa nakalipas na isang linggo ay pakiramdam niya ay may Mommy siya dahil sa pagmamahal na pinapakita sa kanya nito.
Pagbaba nila sa hapag ay kaagad na hinanap ng mata niya ang binata. Halos hindi siya huminga ng magtama ang mga mata nila ni Dranreb. Mataman itong nakatitig sa kanya na tila ba kanina pa siya nito pinagmamasdan.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...