Chapter 2

3K 104 4
                                    

CHAPTER 2



"MAWAWALA rin yang mga rashes at sakit ng ulo mo hija. Just don't forget to take your medicine and next time doble ingat sa pag-check ng ingredients ng kinakain mo." Paalala sa kanya ng family doctor nila. Nang mawalan siya ng malay ay sinundo daw ito ni Lt. Dranreb sa hospital na pinagta-trabahuhan nito.





Nag-pasalamat siya dito at hindi naman nagtagal ay umalis na ito. Kahit papano naman ay nabawasan na ang sakit ng ulo niya at hindi na rin makati ang balat niya.




Pumasok ang yaya niya sa kwarto niya na may dalang tray ng pagkain. Iniwan nitong bukas ang pinto ng kwarto niya kaya natanaw niya si Lt. Evan at Lt. Dranreb na nag-uusap sa labas. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito dahil seryoso din ang expression ng mukha nito.



"Ganda here's your food." Anunsyo nito ng ilapag nito ang tray sa bedside table niya.




"I'm not hungry Yaya." Sabi niya dito. Sinulyapan niya ang pagkain niya at mukhang masarap yun.



"Ay sayang naman si-"



"Mers ako na ang magpapakain sa alaga mo." Napatingin siya kay Lt. Dranreb na bigla na lang sumabat sa usapan nila ng Yaya niya.



Natigilan naman ang yaya niya sa sinabi nito. Oo nga naman, hindi naman trabaho ng bodyguard niya ang pakainin siya.



"Ay tamang-tama po Lt. Dranreb, sige po ikaw na lang po ang magpakain kay Ma'am Ganda. Lilinisin ko rin po ang bathroom niya eh." Sabi ng yaya niya at umalis sa tabi niya. Dumiretso nga ito sa banyo ng silid niya.




"Yaya ikaw na lang dito. This is not his job." Tawag niya sa yaya niya. Hindi naman kasi trabaho ni Lt. Dranreb ang gusto nitong gawin.



"Please huwag ng matigas ang ulo Kenedy." Sabi ni Lt. Dranreb sa kanya at kinuha ang pagkain niya. Napatingin siya dito. Mas gusto niyang tinatawag siya nitong Princess. She didn't know but she feel's special everytime Lt. Dranreb call her "princess"




"That's not your job. Now go back to your position and let my yaya do that for me." Sabi niya dito.



"Kenedy please huwag mo na akong pahirapan." Natigilan siya sa sinabi nito. Pinapahirapan niya ba ito? In what way?



"Pinapahirapan ba kita? Hindi naman ha. That's why I'm asking yaya to do the job." Nasasaktan na siya sa sinabi nitong pinapahirapan niya ito. Parang tingin na lang ng lahat sa kanya ay isa siyang batang alagain.



"Look Kenedy. It's hard for me to see you like that. Did you know na ako ang dahilan kung bakit ka ganyan? Pinakain kita ng pagkain na may shrimp."



"Bakit ka sumisigaw?" Sabi niya dito dahil ang lakas ng boses nito. Si Lt. Evan naman ay naka-silip na sa kanila."Ikaw pa ang may ganang magalit-"



"I'm not mad" sa pagkakataong yun ay malumanay na ang boses nito. "Please let me serve you Princess" sabi nito at itinapat ang kutsarang may laman na pagkain sa bibig niya.




Hindi na niya nagawang tumanggi sa pagkain dahil naamoy na niya ang mabangong amoy nun. Ngayon niya lang na-realize na masarap pala ang arroz caldo. Well, ngayon lang naman kasi siya pinag-luto nun ni Manang Cely-ang cook nila.



Hindi na siya nakatanggi sa mga sumunod na subo sa kanya ni Lt. Dranreb. Tahimik lang naman ito habang kumakain siya. Nang makita niyang naubos niya ang laman ng malaking mangkok ay nanlaki ang mga mata niya.




The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon