Chapter 21

2.6K 75 17
                                    

CHAPTER 21



Gising na si Kenedy pero ayaw niya pang imulat ang mga mata. Magpapanggap lang siyang tulog hanggang hindi siya nagkakaroon ng lakas ng loob na harapin ang binata pagkatapos ng mainit na namagitan sa kanila.


Alam niya na gising lang si Dranreb dahil ramdam niya ang mga pag-buntong hininga nito. Maya't maya din nito kung halikan ang noo niya. Naka-unan lang siya sa makisig nitong mga braso habang naka-subsob ang mukha niya sa hubad nitong dibdib.


Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil hinayaan niyang madala siya ng tukso-hinayaan niya na may mangyari sa kanila ng binata. Kaya naman ngayon ay hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan.





Nang dahan-dahan itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at umalis sa higaan ay saka lang siya nakahinga ng maayos. Hindi niya namalayan na kanina pa niya pinipigilan ang paghinga niya.



Dahan-dahan niyang ibinukas ang isang mata at nakita niya na kumuha ito ng isang pants sa cabinet bago pumasok sa rest room.




Nang maramdaman niya na  bumukas na ang pinto ng CR ay wala sa sariling mabilis siyang nagtalukbong ng comforter. Maya maya ay naramdaman niya ang paglundo ng kama at ang bahagyang paghila nito ng comforter na nakatakip sa mukha niya.





Nang hindi nito mahila ang comforter ay narinig niya ang bahagya nitong halakhak.



"I know na kanina ka pa gising Princess" sabi nito at naramdaman na niya ang mabigat nitong braso na yumakap sa kanya habang nakabalot siya sa makapal na comforter.



Dahan-dahan niyang inalis ang comforter na nakatakip sa ulo niya at mabilis na nagtagpo ang mga mata nila ng binata. Nakita niya na para bang aliw na aliw ito sa ginagawa niya.



Nang ibaon niya ang mukha sa unan ay hinawakan siya nito para magpantay ang mga mukha nila. Pumikit na lang siya para maitago ang kahihiyan na nadarama niya. Shit! Ganun pala ang feeling pagkatapos ng isang mainit na pangyayari. Kung alam niya lang na makakadama siya ng ganung kahihiyan pagkatapos ng isang magandang karanasan ay sana hindi niya iyon ginawa. Sana ay ginawa niya ang pinaka-best niya para hindi sila humantong sa ganun.



"I'm sorry"



Sandaling natigilan siya at napatitig dito. Wari ba'y pati ang paghinga niya ay tumigil dahil sa dalawang kataga na sinabi nito.




He's apologizing for what have happened between them. Ano sasabihin ba nito na isang pagkakamali lamang ang namagitan sa kanila?



Kahit hindi niya tingnan ang sarili niya ay alam niyang namumula na ang mata at ilong niya sa pagpipigil na umiyak sa harap ng binata.




"No, don't get me wrong" biglang sabi nito at ginulo ang sariling buhok. "I'm apologizing not because of  what have happened. But I'm apologizing because I lost all my controls." Kita sa mga mata nito ang sinseridad sa sinabi nito.




Napalunok lamang siya at hindi magawang makapag-salita dahil sa tinuran nito.




"Doing that thing with you is not a mistake. Pero dapat pinakasalan muna kita bago ko ginawa yun sayo." Ginagap nito ang mukha niya at malambing na hinaplos.



Hinawakan niya ang kamay nito na nasa mukha niya at dinama iyon. Pumikit siya dahil sa sinabi nito. Sobrang sarap sa pakiramdam pala na marinig na may balak itong pakasalan siya.




"Nagsisisi ka ba?"



Wala sa sariling naimulat niya ang mga mata dahil sa tanong ni Dranreb. Kita niya sa mga mata nito ang kuryusidad sa isasagot niya.




The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon