Chapter 3.2HINILA ni Kenedy ang makapal niyang comforter hanggang sa leeg niya dahil nilalamig siya. Gusto niyang hinaan ang air-conditioning ng kwarto niya pero ang bigat-bigat ng katawan niya. Hindi niya naman matawag ang Yaya niya dahil day-off nito kapag linggo.
Masakit ang ulo at katawan niya. Siguro ay dahil naligo siya sa ulan kahapon pag-uwi nila galing sa palengke. Imbes kasi na dumiretso sa loob ng bahay nila ay nagtatakbo siya na parang bata sa garden nila habang umuulan. Naingit kasi siya sa mga batang nadaanan nila sa kalsada na mukhang masaya habang naglalaro sa ulan. Gusto niya tuloy pagsisihan kung bakit hindi siya nakinig kay Lt. Dranreb na todo saway sa kanya habang nagpapa-ulan siya. Pasalamat na lang siya at araw ng linggo kaya hindi niya kailangang bumangon para pumasok sa school. Sigurado siya na magkakasakit siya sa sobrang bigat ng katawan na nararamdaman niya.
Mayamaya ay narinig niya ang mahinang pagkatok sa labas ng kwarto niya. "Sleeping Beauty wake up, it's already eight in the morning." Tinig yun ni Lt. Dranreb mula sa labas ng kwarto niya. Nang hindi siya sumagot dito ay nag-salita ulit ito. Pero hindi niya mahagilap ang boses niya para sumagot dito. Hinayaan na lang niya itong kumatok dahil alam niyang aalis din ito.
Mayamaya pa ay naramdaman na niya ang pagbukas ng pinto ng silid niya. Alam niyang si Lt. Dranreb iyon pero tinatamad siyang ibukas ang mga mata para tingnan ito. Naramdaman niya ang naglalakad nito patungo sa bintana niya at binuksan nito ang makapal niyang kurtina.
"Close it" sabi niya sa isip dahil hindi niya nagawang isatinig iyon. Naramdaman niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. Akmang aalisin nito ang comforter niya nang marahil ay maramdaman nito na hindi maayos ang pakiramdam niya.
Naramdaman niya ang pag-lapat ng mainit nitong palad sa noo at leeg niya. "Shit ang init mo!" Rinig niyang mura nito at inayos ulit ang comforter niya. Naramdaman niyang hininaan nito ang aircon niya at sumunod ang mga yabag nito palabas ng silid niya.
Nadismaya siya dahil wala man lang itong ginawa at talagang iniwan pa siya doon. Ngunit mayamaya lang ay narinig niya ang pagbukas ulit ng pintuan niya. Minulat niya ang mga mata niya at nakita niya itong may bitbit na maliit na planganita. Inilagay nito iyon sa bedside table niya at umupo ito sa tabi niya. Naramdaman niya ang pagdampi ng maligamgam na towel sa balat niya. Nakadama naman siya ng kaginhawaan ng mapunasan siya nito. Buti na lang at hinang-hina siya kaya hindi siya nakaramdam ng pagka-asiwa sa ginawa nitong pagpunas sa kanya. Matapos siya nitong punasan ay kinunan siya nito ng temperature.
"Shit! It's thirty eight point nine." sabi nito na ikinabuntong hininga niya dahil kanina pa ito mura ng mura. Pumunta ito sa cabinet niya at nakita niyang kumuha ito ng isang towel doon. Nagulat siya ng pinatagilid siya nito at inilagay sa likod niya ang towel. Nakadama siya ng hiya sa ginawa nito lalo na at wala siyang suot na bra. Buti na nga lang at makapal ang pantulog niyang suot kaya hindi bakat ang hinaharap niya.
"Hindi ka pwedeng matuyuan ng pawis." Sabi nito at pagkatapos ay walang pasabing iniwan siya.
Pinikit na lang niya ang mga mata para matulog ulit. Hindi pa man siya nakakatulog ng pumasok ulit ito at may dala ng tray na may lamang isang tasa ng chicken soup, isang basong tubig, orange juice, at fresh mango.
"I don't want to eat." Mahinang sabi niya dito.
"Tinawagan ko si Dr. Gonzalez at ang sabi niya ay painumin kita ng gamot." Sabi nito at inilagay ang tray ng pagkain sa bedside table niya. "You need to eat kahit kaunti lang para maka-inom ka na ng gamot." Sabi nito at inalalayan siya para maka-upo.Umupo ito sa tabi niya bago siya sinubuan. Umiling siya bilang pag-tanggi.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...