Chapter 4

2.7K 142 9
                                    

CHAPTER 4


NANG dumating ang Daddy niya ay naging busy ang lahat ng tao sa mansion nila. Ini-anunsyo ng ama niya na sa malawak nilang harden gaganapin ang fifty first birthday celebration nito.



Gusto niyang ma-guilty dahil nakalimutan niyang magbi-birthday na nga pala ang Daddy niya. Sa kakaisip niya sa nagdaramdam niyang puso ay pati ang Daddy niya ay nakalimutan niya.



Nag-desisyon ang ama niya na sa mansion na lamang nila ang venue dahil masisiguro nilang ligtas doon. Imbitado ang lahat ng kasapi ng kabinete nito at mga kilalang tao sa bansa kaya kailangan doble ang siguridad nila.




Dahil sa nalalapit na kaarawan ng ama niya ay hindi na rin sila halos nagkikita ni Lt. Dranreb dahil ito ang pinagkatiwalaan ng ama niya na mamuno sa mga security guards na magbabantay sa party. Pero mas mabuti na rin iyon dahil hindi niya naman alam kung paano ito pakikitunguhan pagkatapos ng nangyari sa kanila.

"Ma'am Kenedy nandito na po ang make up artist niyo." Sabi ng yaya niya sa labas ng kwarto niya. Tumingin siya sa suot niyang wristwatch at ayon doon ay alas singko na. Alas syete ang simula ng party kaya kailangan na nga niyang mag-ready. Sinilip niya muna ang daddy niya sa silid nito at nakita niyang may kausap ito sa telepono.

Nag-simula na siyang ayusan ng baklang make-up artist niya. Ito ang ini-rekomenda sa kanya ng modelo niyang kaklase. Kung tutuusin ay kaya niya namang ayusan ang sarili niya kaya lang ay mas gusto niyang professional ang mag-ayos sa kanya.

Alam niyang maraming dadalong magagandang babae sa party mamaya. Karamihan ay mga anak ng politiko at mga kilalang personalidad. At gusto niya ay mas maganda siya sa lahat para sa kanya ang atensyon ng mga tao, lalo na ang atensyon ng isang tao. Gusto niyang ipa-realize dito na mas maganda siya kaysa sa girlfriend nito.

Sa naisip ay bahagya siyang natigilan at kinuwestiyun ang sarili. "What are you doing Kenedy?"  Mahinang usal niya sa sarili. Gusto niyang pagalitan ang sarili niya dahil alam niyang attracted na siya sa binatang sundalo.

Malalim siyang napabuntong hininga at iwinaksi sa isip si Lt. Dranreb. What she's feeling is not good. Tauhan lamang nila ito at dapat ay hindi niya nararamdaman ang ganoong feeling kahit na gaano ito ka-gwapo.


Napapangiti siya sa harap ng salamin habang inaayusan siya ng make up artist niya. Hindi maitatanggi ang natural niyang kagandahan. Perpekto ang hugis ng ilong niya, maganda ang mata niya na binagayan ng mahaba niyang pilik-mata, at ang kilay niya ay parang iginuhit ng magaling na pintor. Maganda ang pagkakaayos ng buhok niya na talagang ipinusod para ma-emphasize ang magandang hugis ng mukha niya.


"Oh vonggah! Pang Ms. Universe ang gandara mo teh!" Sabi ng baklang make-up artist niya. Hinawakan pa nito ang baba niya at may pagmamalaking tiningnan siya. Talagang paborito siyang ayusan ng mga make-up artist dahil sa maganda niyang mukha na kahit anong make-up ay bumabagay.



Tinulungan siya nitong isuot ang mamahalin niyang gown na pinasadya niya pa sa isang magaling na designer. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya sa suot niyang purple lace gown. Sleeveless iyon kaya litaw na litaw ang kaputian niya. Lalo pa iyong bumagay sa kanya ng isuot niya ang six inches high heels niya na sa Paris niya pa nabili ng minsang mag-bakasyon siya doon.


Sinulyapan niya muna ang kabuuan niya sa full length mirror sa kwarto niya at malawak na ngumiti. Sigurado siya na luluwa ang mga mata ng bisita nila sa ganda niya.


Nakangiting inalalayan siya ng make-up artist niya pababa sa magarbong staircase. Rinig na niya ang malakas na kwentuhan at tawanan ng mga tao sa garden nila, tanda na marami na ang bisitang nandun.

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon