Chapter 15

2.5K 99 48
                                    


Nang makarating sila sa mansion ay mabilis siyang naligo dahil nararamdaman na niya ang panlalagkit ng katawan niya. Nang matapos siyang maligo ay imbes na matulog ay pinili niyang lumabas dahil hindi naman siya nakakaramdam ng antok.


"Manang pwede akong tumulong sa pagluluto?" Sabi ni Kenedy sa isang katulong na nagluluto ng hapunan nila. Mag-aalas-sinco na iyon ng hapon.


Ayaw siya nitong patulungin pero dahil mapilit siya ay wala naman itong nagawa kundi pumayag. Ipinatong niya ang cellphone niya sa mesa at lumapit siya sa cabbage at carrots na naroon at siya na ang nag-hiwa nun.




"Madali lang pala ito Manang eh." Sabi niya habang hinihiwa ang carrots.




"Mag-ingat ka baka masugatan ka." Sabi nito sa kanya habang pinapakuluan ang karne.



"Yes po Manang. Thanks for reminding me." Sabi niya habang nakangiting naghihiwa ng ingredients.




"What do you think you're doing?" Napatingin siya sa nagsalitang si Dranreb na basta na lang sumulpot sa harap niya. Galing ito sa barn at ibinalik ang kabayong ginamit nila sa pamamasyal. Nakapag-palit na ito ng simpleng sweat shorts at t-shirt.




"I’m helping Manang." Simpleng sagot niya na parang proud pa dahil tumutulong siya.




"Hayaan mo nang sila ang gumawa niyan. Magpahinga ka na lang sa kwarto mo." Sabi nito.




Hindi siya makatingin dito dahil sobrang lapit na naman ng mukha nito sa kanya. Mukhang sinasadya nitong lumapit sa kanya dahil ngumiti pa ito ng marahil ay mapansin ang pagka-ilang niya.
 



Napatili siyang tamaan ng kutsilyo ang isang daliri niya. Namutla siya ng makita ang dugo doon.




"Shit!" Rinig niyang mura ni Dranreb at mabilis siyang dinaluhan. Inakay siya nito sa lababo at hinugasan ang sugat niya.




Inutusan nito ang isang katulong na kunin ang first aid kit. Maliit lang ang sugat niya pero dahil hindi siya sanay na masaktan ay halos mamutla siya.




"Ba't ka kasi hindi nag-iingat?" Sermon nito sa kanya matapos nitong magamot at malagyan ng band-aid ang sugat niya.
    


Gusto niya sanang sabihin na ito ang dahilan kung bakit siya nasugatan. Kasalanan naman kasi nito dahil masyado itong lumapit sa kanya. Hinila siya nito at pina-upo sa kandungan nito na ikina-ilang niya dahil nasa paligid lang nila ang ilang katulong.




Itinulak niya ito at pilit na lumayo dito pero sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. Nahihiya na siya dahil napapatingin na sa kanila ang ilang katulong at mukhang kinikilig sa posisyon nila ng binata.




“Ano ba!” Kunwaring galit na sabi niya dito kahit ang totoo ay gusto naman niya na nasa kandungan siya nito.



“Ang bango mo” sabi nito at nagtayuan ang balahibo niya sa batok ng madama niya ang mainit nitong hininga sa leeg niya.



“Pakawalan mo nga ako. Nakakahiya sa mga katulong” Sabi niya at itinulak ito para makalayo siya.  Tinarayan niya ito dahil sa matinding epekto nito sa kanya.



Tumawa lang ito tiningnan ang mga katulong.



“They won’t mind” sabi nito at lalong hinigpitan ang mga kamay na nakapalibot sa baywang niya.




Napailing na lang siya dito at pinilit na lumayo dito. Kahit kita sa mukha nito ang pagpo-protesta na pakawalan siya ay wala naman itong nagawa. Nagpaalam siya na papanhik muna  sa silid niya. Kailangan niya munang mapag-isa para mapakalma ang nararamdaman niya sa binata.



The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon