Chapter 7

2.6K 101 5
                                    

CHAPTER 7

BINUKSAN ni Dranreb ang isang kwarto at tumambad sa harap niya ang malaking pambabaeng silid. Malaki ang kama doon at kompleto sa kagamitan. Nakita niyang nasa loob na ang maleta niya, marahil ay ipinasok na ito doon ni Manong Sandy. Dumiretso siya sa loob ng silid. Malaki iyon kahit  hindi kasinglaki ng silid niya sa mansion nila. Tinungo niya ang banyo at nakita niyang kompleto iyon sa kagamitan na para bang isang hotel suite.


Nang lumabas siya ng banyo ay nakita na niyang nakahiga sa kama si Dranreb. Nakapikit ito pero alam niyang gising ito.


"Anong ginagawa mo?" Sabi niya dahil hindi naman ata tamang matulog ito sa silid niya. Pero nakadama din siya ng awa dito dahil alam niyang pagod ito dahil sa kanya.


Binuksan nito ang isang mata bago nag-salita. "Sleeping. This is my room" sabi nito na may naglalarong ngiti sa mga labi.



"But this is my room. Bawal ka dito." Sabi niya.


"But this is our house."


Tiningnan niya ito ng masama. "Uuwi na lang ako sa mansion-"


"I'm just joking." Sabi nito at humalakhak.


Lalo niyang sinamaan ito ng tingin. Ang lakas ng loob nitong pag-tripan siya ha.

"Don't be mad at me. Nagjo-joke lang ako." Sabi nito at bumangon sa pagkakahiga bago lumapit sa kanya. "Sa kabila ang kwarto ko. Magpahinga ka na muna." Sabi nito at mahinang pinitik ang ang noo niya.


"Wait!" Sabi niya bago pa man ito makaalis.


"Yes mahal na Prinsesa?" Pormal na sabi nito na parang hindi siya pinagtripan kani-kanina lang.



"Kaninong room ito?" Sabi niya dahil napaka-girly ng room. Mamaya ay si Barbie pala ang gumagamit ng silid. Lalo na at mukhang malapit ito sa pamilya Morgan.


"Do you really want to know?" Tanong nito nanakataas ang kilay.

"Why not?"


"Well dati itong master's bedroom" sabi nito.


"Room ito dati ng parents mo?"


"Nope"


"Ah silid mo ito." Sabi niya dahil kakasabi lang nito kanina na silid nito iyon.


"This is my Grandma's room. Kahit namatay na si Lola ay alaga pa rin itong room niya para sa mga bisita."


Halos mapatalon siya palapit dito dahil sa tinuran nito. Awtomatiko din na nagtayuan ang mga balahibo niya sa isiping namayapa na ang dating gumagamit ng silid na iyon. Seriously? Doon siya mag-sstay sa silid na iyon sa boung pamamalagi niya doon?



Well, hindi nga siya mamatay dahil sa mga masasamang tao na naghahanap sa kanya pero mamamatay naman siya sa takot. Inilibot niya ang paningin sa malaking silid at tila ba hindi niya kayang doon matulog. Kahit mapag-isa ay hindi niya kaya. Napaka-matatakutin pa naman niya.


"I'll go na." Sabi nito at bago pa man siya makapag-protesta ay nakalabas na ito.


Dali-dali naman siyang lumabas at sinundan ito. Halos madapa pa siya kaya napahigpit ang hawak niya sa braso nito. Paranoid na kung paranoid pero mas takot siya sa patay kaysa sa buhay.


"Oh bakit namumutla ka?" Sabi sa kanya ng binata at sinulyapan ang kamay niyang nakakapit dito.


Dahan-dahan niya namang inalis ang pagkakahawak dito dahil nahiya siya sa inasal niya.



The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon