Chapter 30

2.2K 109 55
                                    

A/N: Hihingi na po muna ako ng paumanhin sa matagal na update. Sadyang may mga unexpected happenings lang po na nangyari. Huwag na po kayong magalit sakin since ilang update na lang ay tapos na ito😊



Chapter 30

Mabilis siyang ipinag-bukas ng pinto ni Dranreb at inilagay sa kandungan niya si Venice. Inayos nito ang seatbelt niya bago naglakad patungo sa driver's seat. Pasimple niya itong pinagmasdan at nakakatakot ang aura nito. Nang sumulyap ito sa batang nasa kandungan niya ay nakita niya ang pag-lambot ng expression nito. 






Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa binata ng sumulyap ito sa kanya bago mabilis ng pinasibat ang kotse nito palayo sa mansion nila. Pasimple siyang tumigin dito na mabilis ang patakbo ng sasakyan. Mahigpit nitong hawak ang manibela habang nagtatagis ang mga bagang nito.





Gusto niya itong kausapin dahil sa mga tanong na naglalaro sa isip niya. Gusto niyang malaman kung paano nito nalaman ang totoo. Pero wala siyang lakas para mag-salita. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa din siya nakakabawi sa mga nangyari.






Bahagya siyang pumikit at mahigpit na niyakap ang anak niya. Ang anak niya na muntik ng ipagkait sa kanya ng sarili niyang pamilya.





"Ate Nicole bakit Miracle Venice ang name niya?" Tanong niya sa pinsan niya habang nilalaro niya si Venice.




Nakita niya na bahagya itong natigilan sa tanong niya bago ngumiti.




"Because she's a miracle baby" simpleng sagot nito na bahagyang umiwas ang mga mata sa kanya.





"I see. Nahirapan ka siguro sa pagbubuntis mo kay Venice." Sabi niya ulit at humagikhik ng hawakan ng bata ang hintuturo niya at ngumiti.





Nang hindi sumagot ang ate Nicole niya ay nag-angat siya ng tingin at nakita niya itong nakatitig sa kanya sa malungkot na mga mata.





"Bakit ate? May problema ba?" Tanong niya dito dahil sa kalungkutan na nakikita dito.





"Wala Kenedy. May naalala lang ako" sabi nito at ngumiti sa kanya kahit alam niyang pilit lang ang ngiting iyon. Nagkibit-balikat lang siya at hindi na pinansin iyon.





Nang maalala niya ang tagpong iyon ay gusto niyang maiyak. Pinag-mukha siyang tanga ng sarili niyang pamilya. Kaya pala kapag tinatanong niya ang ate niya sa mga pinagdaanan nito habang buntis ito ay umiiwas ito. Yun pala ay hindi naman ito nagbuntis dahil wala naman talaga itong anak.






Mula sa pag-pikit ay napamulat siya ng mga mata ng halos sumubsob na siya sa dashboard dahil sa mabilis at biglaang pag-preno ni Dranreb. Mabuti na lang at mahigpit ang pagkakahawak niya sa anak niya dahil kung nagkataon ay baka nasaktan na ito.





The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon