Chapter 27Tahimik na nakahiga si Kenedy sa silid niya ng marinig ang marahang pag-bukas ng pinto ng kwarto niya. Sinulyapan niya iyon at nakita niya si Venice na nakasilip doon.
Kahit ang lungkot-lungkot niya ay pinilit niya pa ring ngumiti sa bata. Sinenyasan niya ito na lumapit sa kanya at mabilis naman itong pumunta sa kanya at sumampa sa kama niya.
Bahagya siyang tumawa ng hawakan nito ang gilid ng mga labi niya na parang pinipilit siyang ngumiti.
"Down't be shad Mama." Sabi nito.
Niyakap niya ito dahil sa ka-bibohan nito. Naiinggit siya sa Ate Nicole niya dahil halatang matalino si Venice. Mahigit dalawang taon pa lamang ang bata ay para na itong matanda kung mag-isip.
Mabuti na lang at umuwi ang mga ito sa Pilipinas. Nang malaman ng ate Nicole niya na may dumukot sa kanya sa araw ng flight niya ay sobra itong nag-alala kaya umuwi pa mismo ito.
Sa mga nakaraang araw ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-mukmok sa silid niya. Tangging si Venice lang ang nakaka-pagpagaan sa loob niya.
Hindi niya napigilang umiyak ng maalala ang anak niya. Noong gabi na na-aksidente siya ay nawala din sa kanya ang anak niya. Naisip niya na siguro kung buhay ang anak niya ay magiging isa siyang mabuting ina dito. Siguro sobrang sarap sa pakiramdam na may anak siya na mamumulatan pagka-gising niya sa umaga.
Kina-usap siya ng ama niya kanina at nag-aalala ito sa kanya. Gusto nito na bumalik na siya sa Canada. Baka sakali daw na kung nandoon siya ay makalimutan niya ang lungkot na nararamdaman niya.
Pero hindi siya sumang-ayon sa ama niya. Sa halip ay sinabi niya dito na ipagkatiwala na sa kanya ang pamamahala ng hotel nila. Sa sitwasyon niya ngayon ay kailangan niya na may pagka-abalahan para mawala sa isip niya ang anak niya.
Pinahid niya ang mga luha niya at sinabi sa sarili na ngayon na lang siya iiyak. Hindi siya pwedeng magpatali sa kalungkutan na dulot ng nakaraan niya. Bukas ay kakalimutan na niya ang lahat ng sakit at mag-sisimula ng panibagong buhay.
Wala sa sariling napangiti siya ng makita si Venice na nakatulog na sa tabi niya. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya habang pinag-mamasdan ang bata. Para na siyang baliw doon na patuloy sa pag-iyak habang nakangiti sa batang natutulog sa tabi niya.
Niyakap niya si Venice at para bang sa simpleng yakap na iyon ay napawi ang sakit na nararamdaman niya. Naitanong niya sa sarili na kung sakali bang buhay ang anak niya ay ganun din kaya ang mararamdaman niya? Siguro ay lahat ng pagod at sakit ay awtomatikong mapapawi kapag kasama at kapiling niya ang anak.
MAAGA pa lamang ay handa na si Kenedy para pumunta sa hotel nila. Ngayon ang araw na ipapakilala siya ng ama bilang bagong Presidente ng Sylvestre Hotel and Resort. Matapos ang isang buwan na pag-sasanay niya para maging isang presidente ng hotel ay ipinag-katiwala na sa kanya ng ama ang pamamahala nun.
Ayaw pa sana ng daddy niya na mag-retiro. Pero sinabi niya dito na kailangan na niyang matutunan ang pamamahala ng negosyo nila habang maaga pa. Sa kanya lang naman kasi mapupunta ang hotel dahil siya lang naman ang taga-pagmana nito.
Nang makarating sila sa hotel ay mabilis na bumaba sa sasakyan ang dalawa niyang bodyguard at ipinag-bukas siya ng pinto. Dahil sa nangyaring pag-abduct sa kanya ni Dranreb ay nag-hire ang ama niya ng bodyguard niya. Gusto sanang kasuhan ng ama niya si Dranreb pero pinigilan niya ang ama para wala ng gulo.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...