CHAPTER 13Gusto na niyang umiyak dahil sa takot at kabang nararamdaman niya. Sobrang lakas ng instinct niya kaya sigurado siya na sa pagkakataong iyon ay nasa kapahamakan siya.
Naglakad siya papalayo sa lalaking iyon para hanapin ang bodyguard niya. Hindi niya alam kung saan siya patungo basta ang tanging gusto niya lang ay makita ang taong alam niyang magiging ligtas siya. Lt. Dranreb will surely protect her at any cost.
Hindi na niya nakikita ang dinadaanan niya at may mga tao ring nagrereklamo dahil nababangga niya ang mga ito dahil sa kakalingon niya sa likod niya.
Nagulat siya ng mabangga siya sa isang malaking bulto. Hindi na siya naka-iwas dito dahil sa takot na nararamdaman. Muntik na siyang matumba pero mabuti na lang at naalalayan siya nito. Nakahinga siya ng maluwag dahit kahit hindi niya tingnan kung sino ang lalaking iyon ay alam niyang si Dranreb iyon.
Humarap siya kay Lt. Dranreb na may pagtatakang tiningnan siya.
"Are you okay you look pale." Sabi nito at hinawakan pa ang mukha niya.
Imbes na sagutin ito ay inilibot niya ang paningin at hinanap ang lalaking sumusunod sa kanya pero hindi na niya iyon makita.
"Hey are you okay." Sabi ulit sa kanya ng binata at bahagyang kinurot ang pisngi niya
Napailing siya dito at bahagyang ipinikit ang mata at kinumbinsi ang sarili na baka masyado lang siyang paranoid. Nanghihina pa din siya sa sobrang takot kaya hindi na siya nahiyang yumakap dito. Mahigpit niyang ipinalibot ang mga kamay dito at sa mga bisig lang niya rito naramdaman ang kapanatagan ng loob.
"Saan ka ba nang-galing?" Sabi niya dito ng makabawi siya sa nangyarin
"Bakit na-miss mo ako?" Nakangiting tanong nito.
Kinurot niya ito dahil halos manghina na nga ang tuhod niya tapos ganun pa ang inaasta nito.
"May nangyari ba sayo? Ba't parang hindi ka okay." Sabi nito sa kanya at bahagyang inilayo siya para makita nito ang mukha niya.
"Wala. Pagod na siguro ako." Pagsusunungaling niya. Ayaw niyang mabahala ito dahil lang sa maling akala niya.
"Let's go home. Nag-text na din sila Mommy na tapos na silang magpa-massage." Sabi nito at hinawakan siya habang nasa isang kamay nito ang mga pinamili nila.
Nang dumating sila sa parking lot ay nandun na rin ang mag-asawa at si Dalton. Sumakay na sila sa kotse at si Dalton ulit ang inutusan ni Dranreb na magmaneho kaya doon ito sa tabi niya umupo.
Habang nasa biyahe sila pauwi ay busy naman si Dranreb sa cellphone nito. Gusto niya itong tanungin kung ano ang pinagkaka-abalahan nito sa cellphone nito. Kadalasan kasi ay hindi naman ito masyadong gumagamit ng cellphone kaya alam niyang importante ang ginagawa nito. Hindi naman niya magawang tumingin sa cellphone nito dahil baka mahuli siya nito at sabihin ay paki-alamera siya.
Hanggang sa makarating sila sa bahay ay ganun pa rin ito. May tinawagan ito sa cellphone pero hindi naman niya maintindihan ang sinasabi nito. Mukhang magaling ang mga sundalo na gumamit ng sarili nitong term sa pag-uusap, lalo na kapag ayaw iparinig sa ibang tao.
Hinatid lang siya nito sa kwarto niya at pagkatapos ay sinabihan siyang magpahinga bago ito umalis. Humiga siya sa kama niya at binalikan ang nangyari kanina sa mall. Dapat ba siyang may ipag-alala sa kaligtasan niya?
Natigil siya sa pag-iisip ng may kumatok sa kwarto niya at pagkatapos ay bumukas iyon at iniluwa si Dranreb. Tiningnan niya ito ng nag-tatanong na tingin kung bakit ito bumalik.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
Storie d'amoreNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...