Chapter 8

3.1K 123 58
                                    



Kinagabihan ay nakita niyang abala ang mga katulong sa paghahanda dahil darating daw ang mga kabigan ni Dranreb at siguro ay mag-iinuman ang mga ito. Iyon naman ang gawain ng mga lalaking magkakaibigan kapag nagkakasama-sama.


Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit sinabihan siya ni Dranreb na mag-stay na lang muna sa silid niya. Sinabihan din siya nito na pahahatidan na lang siya ng hapunan sa silid niya kaya hindi na niya kailangang lumabas para kumain na kasabay ang mga bisita nito. Feeling niya tuloy ay ayaw siyang isama nito sa kasiyahan. Hindi naman pwedeng sabihin na para lang iyon sa mga kalalakihan dahil nakita niyang may ilang babae din ang nandoon.



Pinagmamasdan niya lang ang mga ito na nagkakasiyahan habang nasa veranda siya. Medyo naaawa din siya sa sarili niya dahil ngayon niya lang naramdaman na parang itsapwera siya. Palibhasa kasi ay sanay siya na ituring na very important person.



Nagmamasid lang siya sa mga ito ng makita niya na may dumating pa na isang babae. Kitang-kita niya ng salubungin ito ni Dranreb at ipagbukas ng pinto ng sasakyan nito. Halos hindi siya makahinga ng makita kung paano masayang nagyakapan ang dalawa, medyo madilim at malayo ang kinaroonan niya kaya hindi niya masabi kung ito ba ang nakita niyang girlfriend ng bodyguard niya. Gusto niyang umalis na doon para hindi na makita ang mga ito pero para siyang tanga na gustong saktan ang sarili para patuloy na pagmasdan ang mga ito. Akala niya ay sa kanya lang sweet ang binata pero mas sweet pala ito sa ibang tao.




Umalis siya sa kinaroroonan niya at bumaba sa kusina kung saan nandoon ang Mayordoma ng mga Morgan.



"Oh Hija, ba't hindi ka pa natutulog?" sabi nito ng makita siya.



"Hindi po ako makatulog dahil sa ingay ng mga bisita."



"Sana sinarado mo na lang muna ang sliding door sa silid mo. Sigurado ako na hanggang mamaya pa iyan matatapos."



"I'm okay lang po." Sabi niya sa malungkot na tinig. Hindi niya alam kung bakit parang sobrang apektado siya sa nakita kanina-kanina lang. "Gusto mo po na tulungan kita?" Tanong niya dito dahil abala ito sa paglalagay ng pagkain sa isang malaking bowl.



"Ayos lang hija, patapos na rin naman ito." Sabi nito. "Naku asan na ba yun si Ara, ihahatid niya pa itong pagkain sa mga bisita" sabi nito na ang tinutukoy ay ang batang kasambahay ng mga Morgan.

"Gusto niyo po ako na lang ang maghatid?" Presenta niya sa matandang mayordoma.



"Sigurado ka?" Tanong nito na tiningnan pa siya.


"Yes po. No problem."


"Oh sige kung ganun. Ito ihatid mo na sa kanila." Inabot nito ang isang malaking bowl ng sisig na mukhang pulutan. "Salamat ha." Sabi nito na nginitian lang niya bago tinungo ang mga bisita sa labas.


"Oh Kenedy akala ko hindi ka bababa kasi sabi ni Kuya ay masama daw ang pakiramdam mo." Salubong sa kanya ni Dalton ng makita siya. Napakunot naman ang noo niya sa tinuran nito.



"I'm okay Dalton. Don't mind me" tanging nasabi nalang niya. Napairap naman siya bago ito tinalikuran ito. Hindi niya talaga maintindihan ang inaasta ni Dranreb. Pwede naman na sabihin nito sa kapatid na ayaw siya nitong isama sa kasiyahan kaysa magsinungaling ito.



Lumapit siya sa table kung saan nakaupo si Dranreb kasama ang mga bisita nito at medyo padabog na inilagay ang bowl ng sisig sa harap nito. Dahil sa ginawa niya ay nakuha niya ang atensyon ng halos lahat ng nandoon sa mahabang mesa.


The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon