Chapter 33

4.5K 137 80
                                    

Chapter 33

HINDI maipaliwanag ni Kenedy ang nararamdamang kasiyahan habang pinag-mamasdan ang sarili niya sa malaking salamin. She couldn't help but to admire herself wearing her beautiful wedding gown na gawa pa ng isang sikat na fashion designer sa Asya.

The moment she agreed on Dranreb's wedding proposal ay kaagad nang nag-usap ang dalawang pamilya para sa church wedding nila. At makalipas lang ang dalawang buwan ay ayun na siya at suot ang mamahaling wedding gown niya.

She still remember kung paano siya tumanggi sa karangyaan na iyon. Pero wala siyang nagawa ng halos lahat ay gusto ang engrandeng kasal. Maging ang Daddy niya ay hindi kumampi sa kanya ng sabihin niya na simpleng kasal lang ang gusto niya.

Mula sa pagtitig sa repleksyon niya sa salamin ay napasulyap siya sa ama niya na naka-upo hindi kalayuan sa kanya at may kausap sa telepono. By staring at her dad ay hindi niya naiwasang mapangiti dito.


They already talked about the past, at isa lang ang masasabi niya. He did that because he's a great man and a good father, who just want what's good for her daughter. She can't blame her Dad kung bakit nito nagawa iyon sa kanila ni Dranreb.

"I said that on purpose anak" Sabi ng ama niya ng tanungin niya ito tungkol sa kasunduan nito dati na ipakasal siya sa anak ng Prime Minister.


"I want to test your husband. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa minamahal niya. When I said those words, I am expecting him na lalapit siya sakin at sasabihin na sa kanya na lang kita ipakasal. But instead of doing that, itinakas ka niya, inilayo ka niya sakin. And then malalaman ko na lang mula sa tauhan ko na pinakasalan ka niya without my consent." Sabi ng ama niya na bahagyang tumawa.

"I'm sorry Sir, hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag ang mahal ko ang pinag-uusapan." Sabi ni Dranreb na nasa tabi niya at mahigpit ang pagkakahawak sa kamay niya.

"What did you say?" Tanong ng ama niya na ikina-kunot ng noo niya. Pati si Dranreb ay parang naguluhan din sa sinabi ng ama.





"I'm sorry Sir for all the pain I've inflicted to your daughter" Sersyosong sabi ni Dranreb sa ama niya. Bahagya niyang pinisil ang kamay nito para ipaalam dito na wala na iyon. Maging siya din kasi ay nasaktan din ito.



"Sir?" Sabi ng ama niya "Seriously? Sir pa din ang tawag mo sakin? Drop the formality hijo, inanakan mo na ang anak ko kaya tigilan mo na ang kaka-sir sakin. Call me Daddy from now on."


Gusto niya sanang mapangiti sa Daddy niya dahil sa sinabi nito pero namumula ang mukha niya sa term na ginamit nito "inanakan". Mabuti na lang at tumawa ang mag-asawang Morgan kaya medyo gumaan ang nararamdaman niyang pagka-ilang.


"I'm sorry too." Sabi ng Daddy niya makalipas ang ilang sandali. "Masyado akong naging makasarili. Inilayo ko si Kenedy sayo noong mga panahon na kailangan ka niya. Pati ang apo ko ay inilayo ko sa inyo." Sabi ng ama niya na ikinatahimik ng lahat. Tumitig siya dito at nangungusap ang mga mata.


"When I heard about you marrying my daughter ay alam ko na wala na akong magagawa. I ordered my men na ibalik kayo sakin, hindi naman kasi ako makakapayag na wala ako sa kasal ng kaisa-isa kong anak. " Tumitig sa kanya ang ama niya at ramdam niya ang lungkot nito. "But when my men called me na na-accident ang anak ko habang hinahabol mo ay nagbago ang isip ko. I started hating you, lalo kitang kinamuhian noong muntik ng mawala sakin si Kenedy. You can't blame me kung ganun ang naramdaman ko. Ama ako eh" Sabi ng ama niya na pinipigilan ang emosyon.


The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon