Chapter 24

2.3K 79 49
                                    


Chapter 24



Kinabukasan ay maaga pa lang ay nakahanda na si Kenedy para bumalik   sa ibang bansa. Ala-una ang flight niya pero alas onse pa lamang ay binabaybay na niya ang kahabaan ng EDSA. Bago siya tutungo sa airport ay magla-lunch muna sila ng ama sa isang restaurant sa hotel nila.
          




Nang-iparada ng driver niya ang kotse sa parking lot ay lumabas na siya sa sasakyan at hindi na ito hinintay na ipagbukas siya ng pinto.
         




Iginala niya ang paningin sa paligid ng maramdaman niyang magtayuan ang mga balahibo niya sa batok. Malakas ang instinct niya na parang may nagmamasid sa kanya. Nang makita na wala namang kahina-hinalang tao sa paligid ay mabilis na lang siyang   naglakad papasok sa hotel.  Hangga't nasa labas Kasi siya ay hindi matatahimik ang loob niya.
            




Pag-pasok niya sa entrance ay magalang na binati siya ng dalawang gwardiya. Hindi niya alam kung kilala ba siya ng mga ito bilang anak ng may-ari ng pinagta-trabahuhan ng mga ito.
         




Ngayon lang ulit siya naka-apak sa hotel nila kaya wala siyang kaide-ideya doon. Sa halip na mag-tanong sa receptionist kung nasaan ang ama ay pinili na lamang niyang tawagan ito. Mabilis naman na sumagot ang nasa kabilang linya at sinabi niya na naroon na siya. Abala ang mga mata niya sa pagmamasid sa loob ng hotel na may mga abalang empleyado.





Maya-maya ay may lumapit sa kanyang babae na empleyado ng hotel at iginiya siya kung nasaan ang daddy niya. Nang makita niya ang ama ay lumapit siya dito at humalik. Mukhang kagagaling lang nito sa isang meeting dahil naka-three piece suit pa ito.
        





"Let's eat." Sabi nito at ipinag-hila siya ng upuan. "Ipinaluto  ko lahat ng special dishes ng restaurant." Sabi nito at maya-maya lang ay sunod-sunod nang nag-sidatingan ang mga waiter na dala ang maraming pagkain.
           





"Ang dami naman nito Dad." Nakangiting sabi niya sa ama. Kahit siguro sampung katao ay hindi kayang ubusin ang mga pagkain na nasa harap nila.
          




"Gusto ko lang matikman mo ang mga pagkain dito sa hotel natin bago ka bumalik sa ibang bansa." Sabi nito at nilagyan ng pagkain ang plato niya.
         



Hindi pa man sila nagtatagal sa pagkain ng may lumapit sa ama niya na sa hinuya niya ay  secretary nito. Binati siya ng babae bago ito humarap sa daddy niya at sinabi ang mga appointment ng ama.
        




Napatigil siya sa pagkain ng marinig ang maraming meetings at conference na dadaluhan ng ama. Tapos na nga ang trabaho nito bilang isang Presidente pero marami pa rin itong trabaho. Hindi naman kasi biro ang mamahala ng isang kilala at nangungunang hotel sa bansa.
          




"Dad, matutulungan kita sa trabaho dito para hindi ka na masyadong napapagod." Sabi niya sa ama. Natigilan naman ito sa sinabi niya.
         





"No hija. I can still manage to run our business." Sabi nito at bumalik na sa pagkain mukhang ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa trabaho sa hotel.
        




Alam niya na kailangan ng Daddy niya ang tulong niya. Pero marahil ay iniisip nito na mas kailangan niyang makalayo sa Pilipinas para hindi na siya magulo ng lalaking nagpa-kilalang Dranreb.
          




Iniba na lang niya ang usapan at maya-maya lang ay masaya na silang kumakain. Nang mapatingin siya sa glass wall ng restaurant ay napakunot ang noo niya ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya. Mabilis naman nitong iniwas ang tingin sa kanya kaya ipinag-walang bahala na lang niya. Pero makaraan ang ilang sandali ay nahuli niya ulit ito na nakatingin sa kanya. Naka-suot ang lalaki ng itim na jacket at itim na cap.
         





The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon