Chapter 23

2.3K 103 15
                                    


After 3 years


Mula sa pagtitig sa labas ng bintana ay malalim na napa-buntong hininga si Kenedy. Kanina niya pa pinagmamasdan ang mga bata sa labas na masayang naglalaro sa snow. Wala sa sariling nakapa niya ang dibdib ng maramdaman na naman niya ang hindi maipaliwanag na kalungkutan sa puso niya. Bahagya na lamang siyang napailing at uminom ng coffee na inihanda ng yaya niya. Kung iindahin niya ang kalungkutan ay lalo lamang siyang malulungkot.






Umupo siya sa rocking chair sa silid niya at pumikit. Sinapo niya ang ulo niya na madalas sumakit. Tuwina ay natatakot siya tuwing umaatake ang sakit nun. Ayon sa doctor niya ay normal lang naman daw ang pag-sakit ng ulo niya dahil sa pagkawala ng memorya niya.






Napalingon siya sa likod niya ng sumulpot doon ang daddy niya habang karga ang dalawang taong gulang na si Venice. Si Venice ay anak ng isa niyang pinsan na nakatira lamang sa kabilang bahay.
         




"Nagkukulong ka na naman dito sa kwarto mo." Sabi sa kanya ng Daddy niya at ibinaba si Venice para hayaan itong makapag-laro.

          



Hindi lang siya umimik sa sinabi ng ama niya. Hindi na rin naman bago dito ang pagkukulong niya sa kwarto niya. 
    





"Daddy nawawalan na ako ng pag-asa na babalik pa ulit ang ala-ala ko." Mahinang sabi niya sa ama.   Nagising na lang siya isang araw na wala na siyang maalala. Ayon sa kwento ng daddy niya ay na-aksidente siya at matindi ang pinsalang idinulot nun sa ulo niya.  Ang sabi ng doctor niya ay temporary lamang ang pagkawala ng ala-ala niya. Pero magta-tatlong taon na siyang nag-hihintay na bumalik ang mga ala-ala niya, tatlong taon na siyang naghihintay na makilala ang sarili niya.





       
"Okay lang anak. Huwag mong pilitin  ang sarili mo at baka sumakit na naman ang ulo mo." Sabi nito at hinawakan ang kamay niya. "Hindi mo naman kailangang alalahanin ang nakaraan mo, gumawa ka na lang ng bagong ala-ala dito sa Canada." Sabi nito.
       




Napa-pikit siya dahil sa tinuran ng ama niya. Pinigilan niya ang mga luha niya na nagbabantang bumagsak. Naramdaman na naman niya ang pamilyar na lungkot na nasa dibdib niya.
        



Nang ma-aksidente siya ay dinala siya nang ama sa Canada para doon magpa-gamot. At mula noon ay hindi na sila muling bumalik pa sa Pilipinas. Pumupunta naman sa Pilipinas ang ama niya pero isang beses lang sa isang buwan para bisitahin ang negosyo nila doon.






"Dad gusto ko ng bumalik ang ala-ala ko. Pakiramdam ko pati sarili ko hindi ko kilala." Sabi niya at tuluyan ng napa-iyak. Naramdaman naman niya ang pag-yakap sa kanya ng ama.
        




Tatlong taon na siyang nangangapa tungkol sa sarili niya. At sa loob ng mga taong yun ay hindi niya magawang maging masaya dahil pakiramdam niya ay may kulang sa kanya.  Gabi-gabi siyang  umiiyak  sa sobrang kahungkangan na nararamdaman.






"Dad, let's go back to the Philippines." Sabi niya sa ama. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang sinabi iyon sa ama, pero tuwina ay hindi ito pumapayag na bumalik sila sa Pilipinas.
      






"Anak nandito na ang buhay natin. Wala na tayong babalikan dun." Sabi nito
      




Nakaramdam siya ng matinding pagtutol sa tinuran ng ama. Hindi totoo na wala na silang babalikan doon. Nawala man ang memorya niya pero ang puso niya ay hindi. Nararamdaman niya na malaking parte ng pagkatao niya ay nandun sa Pilipinas.
         





The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon