CHAPTER 19
"Ten years ago"
Napa-bitiw siya sa pagkakayakap dito dahil sa sinabi nito.
"Ten years ago?" Ulit niya sa sinabi nito.
"Yeah. I feel in love with a cute girl noong muntik na itong malunod. I feel inlove with you, the moment I hold you and saved you."
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa tinuran nito.
"Ikaw yun?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Ikaw yung nag-ligtas sa akin."
"Yes sweetheart." Nakangiting turan nito.
"Oh my God! You're my savior... Sinubukan kitang ipahanap kay Daddy pero hindi na daw nakita yung nag-save sakin doon sa resort" Gulat na sabi niya.
"He did. Isa sa mga tauhan niyo ang kumausap sakin. They want to pay me for saving you. Pero hindi ko tinanggap kasi malinaw sakin na kung tatanggap ako ng bayad ay ikaw ang gusto kong kabayaran." Tumawa ito dahil sa sinabi nito.
Ikaw ang gusto kong kabayaran. Kung sa iba niya maririnig ang mga katagang iyon ay baka natakot na siya. Pero kinilig pa siya at napangiti dahil galing iyon sa lalaking mahal niya.
"From that day ay parati na kitang sinusubaybayan. Kaya lang hindi ako makalapit sayo kasi ang taas-taas mo at hindi kita kayang abutin. And because of that I decided to be a soldier. In that way ay magkakaroon ako ng chance para lumapit sayo." Sabi nito.
Niyakap niya ulit ang binata dahil sa nalaman mula dito.
"Eh ikaw kailan mo nalaman na mahal mo ako?" Tanong din nito sa kanya makalipas ang ilang minuto nilang pagyayakapan.
"I don't know when. Basta nagising na lang ako na ikaw na ang hinahanap ng puso ko. Tapos noong nalaman ko na nasa gyera ka sa Mindanao ay halos mabaliw na ako." Sabi niya.
"Shhh..." Sabi nito ng mapansin na namumula na ang mukha niya. Alam nito na dahil sa giyerang sinuong nito ay labis siyang nasaktan. Eh muntik na itong mawala sa kanya dahil doon.
Hinawakan nito ang ulo niya at iginiya siya sa dibdib nito. Maya-maya ay inilayo din siya nito sa dibdib nito at naramdaman niya ang paglapit ng mukha nito sa kanya. Hindi nagtagal ay naramdaman na niya ang paglapat ng malambot nitong mga labi sa kanya. Tinugon niya ang halik nito at naramdaman niya ang pag-kurba ng ngiti sa labi nito.
"I love you my Princess." Bulong nito nang mag-hiwalay saglit ang mga labi nila.
Hindi siya makatugon dito dahil mabilis ulit siyang siniil ng mga halik nito. Hindi niya alam kung ilang minuto na silang naghahalikan. Pero wala siyang pakialam basta ang mahalaga ay kapiling niya ang binata.
"I love you too." Napapaos na tugon niya dito ng sa wakas ay pakawalan siya nito.
Akmang hahalikan na ulit siya nito ng makarinig sila ng mga yapak ng paa. Mabilis siyang lumayo sa binata sa takot na may makakita sa kanila sa ganoong posisyon.
"Hija" bati sa kanya ng daddy niya pagpasok nito sa malawak na silid ng mansion nila. May mga kasama itong ilang tauhan nila na pina-deritso nito sa office nito.
"Dad" simpleng sabi niya at lumapit dito para humalik.
"Mr. President" sabi naman ni Dranreb na nakatayo na at yumuko bilang pagbibigay galang sa ama niya.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...