Chapter 25

2.1K 65 2
                                    

CHAPTER 25

Hindi alam ni Kenedy kung paano siya napapayag ng binata sa hiling nito. Basta natagpuan na lamang niya ang sarili na pumapayag sa gusto  nito.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagtataka pa din siya sa nararamdaman niya sa binata. May iba dito na hindi niya maipaliwanag. Para bang may mahika itong taglay para mapa-amo siya nito.

"Asus naga-gwapuhan ka lang sa kanya eh" kastigo sa kanya ng isang bahagi ng isip niya. 

Bahagya siyang natigilan at hindi niya napansin na nakangiti na siya. Kaagad niyang pinormal ang mukha niya dahil hindi tama na kino-compliment niya ang binata sa kabila ng napaka-komplikadong sitwasyon na kinakaharap niya.

Pero wala naman sigurong masama na nakaka-appreciate siya ng isang magandang nilalang. Afterall ay hindi naman maitatangi na gwapo talaga ang binata. Hindi niya nga alam kung paano ito naging masama sa buhay niya.

Nanatili lamang siyang naka-upo sa dulo ng kama niya at hindi alam ang gagawin. Tiningnan niya ang suot na relo at nakita niyang alas nueve na iyon ng umaga.  Nakakaramdam na rin siya ng gutom at parang wala man lang balak si Dranreb na pahatiran siya ng pagkain doon.

Tumayo na lamang siya at humarap sa isang malaking full length mirror. Pinagmasdan niya ang sarili na suot pa rin ang damit niya mula kahapon. Sa sobrang gulo ng nararamdaman niya kagabi ay hindi na niya naisipan na magpalit ng damit. After all ay wala naman kasi siyang pampalit na damit.


Bumuntong hininga siya at naisip kung paano nanatili si Dranreb kagabi sa tabi niya. Alam niya na doon ito natulog sa silid dahil ramdam niya ang presensya nito kahit natutulog siya. Ang ipinagtataka niya sa sarili ay kung bakit niya hinayaan na matulog ito sa tabi niya habang yakap siya.


Kaya niya itong layuan pero hindi niya ginawa. May iba sa yakap nito--yung para bang imbes na mangamba siya ay napanatag siya. She didn't understand, but it feels like it's her home.

Makaraan ang ilang minuto ay naglakad siya patungo sa isang pinto na sa hinuha niya ay comfort room.


Hindi naman siya nagkamali ng buksan niya iyon at bumungad sa kanya ang isang puting silid na may malaking bathtub. Sa dulo nun ay isang glass cabinet na may iba't-ibang mga sabon at shampoo. Nang dumako ang tingin niya sa isang sulok ay nandun ang shower katabi ng isang cubicle.


Nang buksan niya ang isang cabinet at makitang mga towel at robe ang nandoon ay hindi na siya nag-atubiling kumuha ng towel. Hindi siya naligo kagabi na kadalasan niyang ginagawa kaya feeling niya ay nanlalagkit na siya.


Mabilis niyang inilock ang pinto at mabilis na hinubad ang saplot bago itinutok ang sarili sa malamig na tubig na nanggagaling sa shower. Mabilis ang ginawa niyang paliligo kaya matapos ang twenty minutes ay lumabas na siya ng bath room.



Naglakad siya papunta sa isang malaking cabinet para mag-hanap ng maisusuot niya. Pero nakalkal na niya ang halos lahat ng laman nun ay wala man lang siyang nakitang damit na pambabae. Mukhang kay Dranreb ang mga damit na iyon dahil nakita niya sa isang tabi ang mga military uniform nito na maayos na naka-hanger.

Malalim siyang napabuntong hininga at kumuha na lamang ang isang t-shirt. Hindi naman kasi pwede na naka-bath robe lang siya.


Nang isuot niya ang t-shirt ay halos umabot sa tuhod niya iyon. Naghanap siya ng maisusuot na short pero sa tingin niya ay kapag isinuot niya ang short ng binata ay mahuhulog lang sa bewang niya sa sobrang laki.

Nang buksan niya ang maliit na compartment ng cabinet at makita ang mga boxer shorts ay kumuha siya ng isa. Ilang sandaling tiningnan niya ang kaperasong damit bago nagpasyang isuot yun. Wala naman kasi siyang choice kundi isuot ang kung ano ang available dun.

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon