CHAPTER 32
"Yes you are. And I like it when you're jealous. Ngayon ko lang narinig na sinabi mo na asawa mo ako." Sabi nito. Nang lingunin niya ito ay para bang tuwang-tuwa ito.
Napapa-irap na tinalikuran niya ito at lalong binilisan ang paglalakad para makalayo dito. Dumiretso siya sa kinaroroonan ng anak niya at mabilis naman na nakasunod sa likod niya si Dranreb. Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito baywang niya at mahigpit siyang niyakap mula sa likod.
Pasimple niyang kinalas ang mga braso nito dahil ayaw niya sa public display of affection lalo na at nakikita niya sa gilid ng mga mata niya ang makahulugang tingin ni Dalton sa kanila. Samantalang ang ina naman nito ay abala kay Venice.
Nang sumulyap sa kanila ang ginang ay tumigil siya sa pasimpleng pag-alis sa kamay ni Dranreb na nakayakap sa tiyan niya. Nahihiya siya dito na makita nito ang pagtanggi niya sa sweet gestures na iyon ng binata. Sigurado kasi siya na ang alam nito ay maayos sila ng anak nito. Hindi nito alam na hanggang sa kasalukuyan ay malabo pa din ang relasyon nila nito.
Ngumiti sa kanila ang butihing ginang bago sumulyap kay Venice na kahit papaano ay alam niyang nasasanay na sa mga bagong tao na kamakailan lang nito nakilala.
"Ang sweet naman ng Mommy at Daddy mo hija" pagka-usap nito sa bata na ikinatigil niya. Ayaw na kasi niya na baguhin pa ng anak nila ang pagtawag sa kanila nito ng "mama" at "papa." As possible ay ayaw niyang ma-confuse ang bata. Parang hindi naman alintana ni Dranreb ang sinabi ng Mommy nito. Lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa kanya at humilig sa balikat niya ang baba nito habang nakamasid sa anak nila na tuwang-tuwa sa piling ng lola nito.
Hindi nagtagal ay dumating ang Daddy Darius niya na sakay ng kabayo. Sigurado siya na naglibot na naman ito sa ilang parte ng hacienda. Hindi pa man ito nakakababa sa kabayo ay lumabas na ang isang katulong at sinabi sa kanila na handa na ang breakfast.
Hinintay nilang makalapit sa kanila si Daddy Darius bago sila tumungo sa hapag. Napangiti naman siya ng makita na tuwang-tuwa si Venice ng makita ang lolo nito. Sadyang mabilis na makuha ang loob ng anak niya dahil malapit na kaagad ito sa pamilya ni Dranreb.
"Lolo smells bad apo" sabi ng Mommy Stella ng lumapit dito ang asawa nito. Amoy pawis kasi ito dahil sa pangangabayo nito.
"Oo nga" sang-ayon ni daddy Darius matapos nitong amoyin ang sarili. Niyakap nito ang asawa nito at tumawa naman sila ng marinig ang pagreklamo ng Mommy Stella nila.
"But I don't care kung amoy pawis ako. Ang ayaw ko ay ang tawagin akong lolo ng apo ko. Ang lakas maka-senior citizen." Sabi nito na lalo nilang ikinatawa.
Pero awtomatikong nawala ang mga ngiti niya ng makita si Carelle na papalapit sa kinaroroonan nila. Nakatitig ito sa kanila, particular kay Dranreb na nakayakap pa din sa kanila.
"Call me Daddy pogi" Sabi nito kay Venice. "Da-ddy po-gi" ulit nito para sabihin ng bata.
Ginaya naman ito ni Venice na ikinatawa nila. Sobrang saya nila doon ng sumabat si Carelle at bumati sa dalawang matanda.
"Oh Carelle, mabuti at nandito ka pa. Sumabay ka na sa breakfast namin." Sabi dito ng Mommy Stella niya at tumayo na para pumunta sa dining area.
"Oo nga hija." Pagsang-ayon naman ni Daddy Darius. Samantalang silang tatlo ni Dalton at Dranreb ay tahimik lang.
Tumingin sa kanila si Carelle bago ito sumang-ayon na saluhan sila sa breakfast. Naka-tingin siya dito kaya nahuli niya ang pag-sulyap nito sa kanila ni Dranreb at ang pagbaba nito ng tingin sa mga kamay ni Dranreb na nakapalibot sa kanya.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...