Chapter 6

2.6K 104 3
                                    




"Tara na." Yaya sa kanya ni Lt. Dranreb at binuksan ang pinto sa backseat para sa kanya. Napatigil ito ng makitang nandun na rin sa backseat naka-upo si Barbie na madilim ang mukha. "Barbie, pwede sa passenger seat ka na lang, sa tabi ni Manong Sandy." Sabi ni Dranreb dito.



"Doon na lang si Princess sa tabi ni Manong." Sabi ni Barbie. Hindi niya alam kung matatawa siya o ano sa sinabi nito. Seriously? Tinawag siya nitong Princess.





"She's not Princess, her name is Kenedy. Pinapakilala ko kasi siya sayo umalis ka naman." Sabi dito ni Dranreb.




"Then bakit Princess ang tawag mo sa kanya?"




"That's what I used to call her." Sabi ni Dranreb




"Bakit Prinsesa ba yan?" Pamimilosopo sa kanya ni Barbie.



"Yes in our own kingdom. We have a palace. Eh ikaw anong meron ka? Kagaspangan ng ugali?" Sabi niya sa isip.



"Yes she's my Princess and she's special to me." Sabi nito. "Doon ka na sa tabi ni Manong para makauwi na tayo."




Mukhang ayaw ng babae nasa unahan umupo pero sumunod naman sa sinabi ng binata. Nagmamartsa itong bumaba at lumipat sa passenger seat. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang masamang tingin nito sa kanya.




"Tara na po Manong Sandy." Sabi ni Dranreb ng makasakay na sila. Kinuha nito ang kamay niya at hinawakan iyon. Mukhang nagiging paborito na nitong hawakan ang kamay niya.





"Ang laki ng kamay mo." Sabi niya ng mapatingin sa kamay nila. Sumulyap ito sa kanya at ngumiti.





"Tama lang para maprotektahan ka" Sabi nito at kumindat pa sa kanya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Itinaas pa nito ang magka-hugpong nilang kamay. "Bagay na bagay ang kamay natin oh." Biro nito.




"Sana pati tayo bagay" mahinang sabi niya na ikinatawa niya. God! Ang cheesy niya!






Habang nasa biyahe sila ay panay ang biruan nila at minsan ay mag-titigan tapos sabay na tatawa. Napapailing at natatawa naman sa kanila si Manong Sandy habang hindi naman maipinta ang mukha ni Barbie. Naitanong niya tuloy sa sarili kung kaano-ano ba ito ng binata.





"Malayo pa ba tayo?" Mahinang tanong ni Kenedy sa katabi niya. Mag-iisang oras na silang bumibiyahe.




"Malapit na." Sagot nito at pinisil ang ilong niya na dahilan para tingnan niya ito ng masama. Narinig niya ang bahagyang pagtawa nito sa ginawa niya.




Lumiko sila sa isang kalye at mayamaya lang ay puro na puno ang nadadaanan nila. Wala man lang na bahay sa parteng iyon. Napatuwid siya ng upo ng matanaw na ang mataas at magarang gate. Pero nakalampas na sila sa gate ay wala pa rin siyang matanaw na bahay.






"Sakop na ito ng properties namin." Sabi sa kanya ng binata. Inihilig niya sa balikat nito ang ulo niya habang nakatingin sa labas at ini-enjoy ang tanawing nadadaanan nila.




"Mayaman pala kayo eh." Sabi niya. Lalo siyang namangha ng bumungad na sa kanya ang mala-paraisong lugar. Puno ang paligid ng iba't-ibang uri ng halamang namumulaklak. May iba't-ibang hayop din kagaya ng usa at kambing na masaganang nanginginain.





"Pina-mana lang ito ng grandparents ko kay Daddy." Sabi nito at kinabig ang ulo niya para makahilig siya ng maayos sa balikat nito. Nararamdaman niya ang kamay nito na bahagyang sinusuklay ang buhok niya. "Almost ten minutes pa ang biyahe natin. You can rest because I know you're tired" Sabi nito.






The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon