Chapter 28
Nang mga sumunod na araw ay malaya ng naka-galaw si Kenedy sa trabaho niya dahil natapos na ang seminar na dinaluhan ni Dranreb. Kampante na siya na hindi na siya malalapitan ulit nito dahil hindi na ito pwedeng tumapak pa ulit sa sarili niyang property. Sa mga araw kasi na nag-lagi sa hotel nila si Dranreb ay parati siyang balisa kapag nakikita niya ito. Pakiramdam niya ay gusto siya nitong lapitan pero hindi nito magawa dahil sa mga bodyguard niya na parating nasa tabi niya. Hindi niya alam kung ano pa ang pakay nito sa kanya para guluhin pa siya. Napatunayan na din niya dito na mali ang akala nito kay Venice.
"Baby who's your papa? Hmm?" Rinig niyang tanong ulit ni Dranreb kay Venice.
"You!"
Wala sa sariling napalingon siya sa dalawa ng marinig ang sinabi ni Venice. Nakakunot ang noo niya ng mag-tama ang mga mata nila ni Dranreb. Tiningnan siya nito ng nag-tatanong na tingin.
Naalala niya kung paano niya binigyan ng nakakamatay na irap si Dranreb ng mga oras na yun. Nang marinig nito ang sinabi ni Venice ay hindi niya mabasa kung ano ang nararamdaman nito. Basta nakita niya na namumula ang mukha nito. Hindi niya alam kung galit ito o naiiyak.
Kahit ayaw na niyang makipag-usap dito ay sinabi pa din niya na anak si Venice ng pinsan niya. Ayaw pa nitong maniwala kaya kinailangan niyang ipakita ang mga picture ni Venice kasama ang mga magulang nito.
"If you don't want to believe me, then magpa-imbestiga ka." Naalala niyang hamon niya dito dahil kita sa mukha nito na nahihirapan itong paniwalaan siya. Nasa parking lot sila noong oras na iyon at nakatitig ito kay Venice na inilapag nito sa backseat ng sasakyan niya.
Nang bumaling sa kanya si Dranreb ay gusto niyang maawa dito dahil ayon na naman ang kalungkutan sa mga mata nito. Bahagya itong umiling sa kanya bago nag-salita.
"I believe you." Mabigat na sabi nito at napalunok pa na para bang nahihirapan itong mag-salita. "I'm sorry. I thought my instinct is my biggest asset. But I was wrong this time. Akala ko akin si Venice, mali pala ang nararamdaman ko." Sabi nito at sumulyap kay Venice na abala sa pagkulikot ng iPod niya.
"I'll go na" Sabi niya at mabilis na tinalikuran ang lalaki bago sumakay sa sasakyan at tumabi kay Venice.
Sinulyapan niya si Dranreb na hindi umalis sa kinatatayuan nito at nakatitig lang sa kanila. Hindi niya ito masisisi kung akalain nito na anak nila si Venice. Lalo na at malaki ang pagkakahawig ng bata sa kanya. Parehas sila na parang papel ang kaputian, bukod pa sa ilang facial features ng bata na parang siya lang noong bata siya. Ang tanging pinag-kaiba lang nila ng bata ay ang cute curly hair nito na parang mais ang kulay.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...