"MA'AM GANDA wake up na po. May pasok pa po kayo sa school." Nagising si Kenedy dahil sa tinig ng yaya niya. Naging morning routine na nito ang buksan ang bintana niya. Pero dahil sa maganda ang gising niya ay hindi siya nagalit sa ginawa nito.
"Good morning yaya." Masiglang bati niya dito bago inunat ang katawan. Ang ganda ng gising niya. Sino ba naman ang hindi gaganda ang gising kung ang laman ng panaginip niya ay ang gwapong bodyguard niya.
Binati siya pabalik ng yaya niya bago siya nag-tungo sa bathroom. Mabilis naman siyang nakapag-ready para pumasok na sa school.
Pagbaba niya sa hagdan ay nag-salubong ang mga mata nila ni Lt. Dranreb na nandun sa baba at mukhang inaantay siya. Linagpasan niya lang ito at dumiretso na sa sasakyan.
"Akala ko mali-late ka na naman sa school." rinig niyang sabi ni Lt. Dranreb na naka-sunod sa kanya.
"Akala mo lang yun" walang emosyong sabi niya dito. Pinipigilan niya ang sariling lingunin ito lalo na at amoy niya ang mabangong halimuyak nito na nanonoot sa ilong niya.
"Mabuti at naka-tulog ka kaagad kagabi. Akala ko ay iiyakan mo ang nangyari." Sabi nito na ikinataas ng kilay niya. Siguro nasabi nito iyon dahil saksi ito kung gaano siya kaiyakin.
"Nope, ang ganda nga ng tulog ko. Pati ang panaginip ko ay magandi din." Sabi niya dito. Nakita niya ang pagtataka nito sa sinabi niya pero ngumiti naman.
"So kaya pala ang ganda mo kasi maganda ang panaginip mo?" Tanong nito na mukhang nagtataka sa inaasal niya. Marahil ay ine-expect nito na pangit ang gising niya dahil sa nangyari kagabi sa party ng ama niya.
"Correction Lieutenant, kahit gaano pa kapangit ang panaginip ko ay maganda pa rin ako." Sabi niya dito na ikinatawa nito. Napatingin siya dito ng may maalala. "You didn't compliment my beauty last night." Biro niya dito pero sa tono ng boses niya ay para siyang nagtatampo dito.
Natigilan ito sa sinabi niya pero mayamaya ay pumuno sa loob ng mansion ang halakhak nito. Napapatingin dito ang mga katulong nila na bakas sa mukha ang pagtataka.
"So you're waiting for my compliments huh" Tukso nito sa kanya.
"Of course! Ang ganda ko kaya kagabi." Sabi niya at nag-flip pa ng hair.
"Hindi ka lang kagabi maganda, you're always gorgeous. Kaya nga kailangang higpitan ko lalo ang pagbabantay sayo. Ang ganda mo kasi nahihirapan tuloy ako." Sabi nito at pinisil pa ang tungki ng ilong niya. Hindi niya pa napigilan ang pag-iinit ng pisngi niya sa ginawa nito. Somehow she finds that gesture sweet. Pero sigurado siya na sinabi lang nito iyon para hindi masira ang mood niya. Kadalasan kasi ay kinokontra nito ang mga sinasabi niya.
"Sorry nasa lahi ko na ang pagiging maganda. And please huwag ako ang bolahin mo. Si Dad kasi siya ang nagbabayad ng salary mo. Akala mo ata ay bibigyan kita ng bonus ha" Biro niya para matakpan ang pamumula ng pisngi niya.
Ipinag-bukas siya nito ng pinto bago ito pumunta sa driver's seat. Ito lang mag-isa ang bodyguard niya dahil ang iba niyang bodyguard ay isinama ng Daddy niya sa isang pagtitipon. Sumama kasi ang halos lahat ng security team ng ama niya dahil public place ang pupuntahan nito.
Nakalayo na sila sa mansion ng mahalata niyang medyo uneasy si Lt. Dranreb. Mayamaya itong napapatingin sa rearview mirror. Dahil sa curiosity ay lumingon siya sa likod niya at nakita niya ang isang itim na van doon. Napatingin siya kay Lt. Dranreb ng iliko nito ang sasakyan sa isang kalye. Hindi iyon ang ruta patungo sa school niya.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomansaNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...