Chapter 3

2.8K 91 0
                                    

CHAPTER 3

PAGKA-TAPOS mag-almusal ni Kenedy ay dumiretso siya sa sala kung saan prenteng naka-upo at naglalaro ng chess ang mga body guards niya. Wala namang kaso sa kanya kahit anong gawin ng mga ito dahil bantay niya lang ang mga ito kapag umaalis siya ng mansion.



"Ma'am ganda aalis po muna ako. Inutusan po ako ni Manang Flor na mamalengke. Baka po hanapin niyo ako kaya nag-paalam po ako sa inyo." Sabi ng yaya niya.



Kaagad siyang bumangon sa pagkakahiga ng may maisip. "Wait for me yaya. Sasama ako sa inyo." Sabi niya at pumunta sa closet niya para mag-palit ng damit.



"Pero Ma'am ganda-"



"No more buts yaya, I'll go with you." Sabi niya at mabilis na nagbihis ng maikling maong shorts at crop top na damit. Hindi naman makikita ang tiyan niya sa suot niyang croptop dahil highwaist ang suot niyang maong.




Gusto niyang gumala kaya sasama siya sa yaya niya kahit pa sa paggo-grocery na never niya pang ginawa.




Kinuha niya ang cellphone at purse niya at inilagay sa bulsa. Kinuha niya rin ang white baseball cap at ginawang head band ang aviator shades niya.



"Let's go yaya." Sabi niya dito at nauna na sa sasakyan. Pumasok na sila sa loob ng kotse habang hinihintay ang driver nila.




Nakita niya ang paglapit sa sasakyan ni Lt. Dranreb at kinatok ang tinted na salamin ng sasakyan. Binuksan niya ang bintana at nagtama ang paningin nila ni Lt. Dranreb.




"Where do you think you're going lady?" Sabi nito na talagang hindi na nahiyang ilapit sa kanya ang mukha.




"None of your business." Sabi niya at umirap. "Let's go Manong." Tawag niya sa driver.





"Apparently you're my business. Bumaba ka na ngayon din at bumalik sa loob." Ma-awtoridad na sabi nito. Kung iba siguro ay matatakot dito dahil sa tono ng boses nito.




"Ikaw ang boss dito?" Sarkastikong sabi niya.




"No I'm not. Pero sa akin ka ipinagbilin ni Mr. President kaya responsibilidad kita. Alam mo ba na delikado ang magpagala-gala ka? Alam mo naman siguro yun."




Natahimik siya sa sinabi nito. Oo alam niya naman na hindi siya pwedeng lumabas na lang bigla. Pero gusto niya namang maranasan na maging normal, yung magawa niya yung gusto niya.



"I just wanted to experience-"




"Pero delikado nga, anak ka ng Presidente ng bansa. And who knows na baka ngayon nga ay pinagpa-planuhan ka ng kidnappin ng mga rebelde para ipatubos sa Daddy mo."




Napayuko na lang siya sa tinuran nito. Hindi naman siya nito masisisi dahil simula ng pumasok ang daddy niya sa politiko ay wala na siyang kalayaan.




Binuksan niya ang kotse para bumalik sa loob ng mansion. Siguro nga ay mas mabuting mag-stay na lang siya doon kaysa mapahamak siya. Totoo naman kasi ang sinabi nito dahil alam naman niya na parating nasa panganib ang buhay niya. Kaya nga nag-hire ang Daddy niya ng magagaling na bodyguards niya.




"Okay fine. Sige lalabas ka, but wait for me here I'll go with you." Parang napipilitang sabi nito at tumakbo pabalik sa loob ng mansyon.



Nakita niyang kinausap nito ang apat na tauhan nila habang inilalagay nito ang dalawang baril sa likod nito. Kinausap nito ang driver niya at sinabing ito na ang magmamaneho.




The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon