Chapter 18

2.3K 119 11
                                    


CHAPTER 18

Pinagsusuntok niya ang mga tuhod niya dahil namamanhid na ang mga iyon. Hindi niya alam kung dahil iyon sa pagtakbo niya makarating lang doon o dahil sa sobrang sakit na makita ang lalaking mahal niya na nakaratay doon.



"Please Lord iligtas niyo po ang mahal ko. Kahit po mapunta na lang siya kay Lorraine basta huwag niyo lang po siyang tuluyang kunin sa akin." Tahimik na dasal niya habang umiiyak. Makakaya niya ang sakit kapag napunta ito kay Lorraine, pero ang hindi niya kaya ay ang tuluyang mawala ito.


Natahimik ang buong silid at pati siya ay natigil sa paghagulhol ng marinig ang pagtunog ng computer na nagmo-monitor sa katawan ng pasyente. Nabuhayan siya ng loob ng makitang hindi na yun flat line. Tumitibok na ulit ang puso ng mahal niya.
        

Nataranta ang mga doctor dahil sa nangyari. Samantalang siya naman ay parang baliw na tumatawa habang lumuluha. Lumalaban ang mahal niya.


"This is a miracle." Tanging nasambit ng mga doctor. Tatayo sana siya para lapitan ang binata pero pinigilan siya ng mga nurse. Nakontento na lang siyang tingnan ito habang chine-check.




Nang mga sumunod na araw ay naging maayos na ang kalagayan ng binata na labis niyang ipinag-pasalamat. Inilipat na ito sa private room at hinihintay na lamang nilang magising ito.
            


Sa nakalipas na isang semana ay halos sa hospital na siya nakatira dahil hindi na siya umuuwi sa mansion nila. Doon na siya sa hospital naliligo at natutulog habang hinihintay ang paggising ng mahal niya. Sinulyapan niya ang binata na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.


"Please wake up na. Miss na miss na kita." Sabi niya dito habang hawak ang kamay nito na may nakakabit na ilang tubo. Ayon sa mga doctor ay wala na rin daw silang dapat ipag-alala dahil stable na ang kalagayan nito. Pero kahit ganun ay hindi niya maiwasang mangamba sa kalagayan nito. Hindi mapapanatag ang loob niya hanggang hindi ito nagigising.
          


Nang humikab siya at makaramdam ng antok ay nag-nap siya sa tabi nito. Ilang gabi na rin siyang walang maayos na tulog kaya mayamaya lang ay tuluyan na siyang kinain ng antok.


Nagising na lang siya ng maramdaman ang mahinang pag-haplos sa buhok niya. Napatuwid siya ng upo ng makitang gising na si Dranreb.  Hindi na niya napigilan ang sarili at yumakap na siya dito. Pero lumayo din siya kaagad ng umaray ito dahil nadiinan niya ang sugat nito.



"I'm sorry." Sabi niya dito "Pinag-alala mo ako. Akala ko mawawala ka na sa akin. "Hindi na niya naiwasang huwag maging emosyonal sa harap nito.


"Where's Lorraine?"
            

Natigilan siya at parang piniga ang puso niya ng ibang babae ang hinanap nito. Ipinikit niya ang mga mata para pigilan ang mga luha niyang nagbabadyang tumulo.
       

Sabi nito ay mahal siya nito, pero bakit si Lorraine ang hinahanap nito samantalang nandoon naman siya.


"I-I don't know." Sabi niya at tumalikod para maitago dito ang kalungkutan niya. Dapat ay okay lang sa kanya na iba ang hinahanap nito. Di ba sinabi niya na okay lang na si Lorraine ang mahal nito basta huwag lang itong tuluyang mawala.



"Tatawag lang ako ng mga doctor." Sabi niya pero taksil ang mga luha niya dahil bago pa man siya makatalikod ay nag-landas na ang mga luha sa pisngi niya.



"Why are you crying?" Tanong nito. Nakatalikod lang siya dito.


"Marami diyan na iba pero mas pinili kita. Pero parang magkamali ako ng pagpili sayo. Mahal kita pero siya ang mahal mo. Nandito naman ako pero siya yung hinahanap mo. Para na akong tanga!" Sabi niya at mabilis na umalis.



The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon