CHAPTER 1
"Kenken wake up na! May pasok ka pa sa school." Nagising si Kenedy dahil sa matinis na boses ng yaya niya. Kinuha niya ang unan niya at itinakip sa ulo. That's what she hate about her Yaya Mercy. Gawain na nito na bulabugin ang tulog niya.
"Arrggh!" Sigaw niya ng kumalat ang liwanag sa silid niya. Nag-talukbong siya ng comforter dahil binuksan nito ang makapal na kurtina sa silid niya.
"Ganda naman. Please bumangon ka na. Male-late ka na sa school mo. Magagalit ang daddy mo kapag nabalitaan niyang na-late ka nanaman. Pag-uusapan ka na naman na-"
"Yaya shut up! It's too early and ang ingay-ingay mo" Malakas na sabi niya dito. Alam niyang rinig sa loob ng mansyon nila ang boses niya dahil hindi naman sound proof ang silid niya.
"Kailangan mo nang mag-handa-"
"Close the curtain and leave!"
"Pero Kenken-"
"Or else I'll fire you." Putol niya sa sasabihin nito.
Hindi naman nag-tagal at sinunod nito ang utos niya. Nang makalabas ito sa kwarto niya ay bumaluktot siya sa ilalim ng comforter niya. She really loves sleeping lalo na at ang lamig ng air-conditioning niya sa kwarto.
Bumalik siya sa pag-tulog at hindi pinansin ang sinabi ng yaya niya. Matanda lang ito sa kanya ng dalawang taon at kadalasan ay ito ang kasama niya sa mga kalokohan niya, gaya ng pag-takas niya kagabi sa mansyon nila para pumunta sa party ng kaibigan niya. Hindi niya naman ito magagawang sesantihin dahil sobrang lapit na ng loob niya dito. Kahit na muntik na siyang mapahamak dati ay hindi pa rin siya tumigil sa paglabas ng patago. Anong magagawa niya eh sa doon lang siya nakakaramdam ng kasiyahan.
Alam niyang alas syete na ng umaga at alas otso ang pasok niya. Pero hindi niya kayang bumangon dahil may hang-over pa rin siya. Gusto niya tuloy pagsisihan na tumakas pa siya kagabi at dumalo sa party.
Maya-maya ay narinig niya ang pag-bukas ulit ng kwarto niya. Hinayaan niya lang iyon dahil sigurado naman siya na hindi na siya iistorbohin ng yaya niya dahil takot itong ma-sesante. Marahil ay ihahanda lang nito ang susuotin niya sa araw na yun.
Pero awtomatikong naitalukbong niya sa ulo ang makapal na comforter ng may mag-bukas ng kurtina sa bintana ng kwarto niya.
"Yaya!!!" Inis na sigaw niya.
Nagulat siya ng may bigla na lang na humila sa comforter niya. Nang idilat niya ang mga mata niya ay nagulat siya ng mukha ni Lt. Dranreb ang bumungad sa kanya.
"What are you doing here?! Get out!" Sigaw niya dito at bumaling sa kabilang side at tinakpan ang ulo ng unan para hindi ito makita. Pero natigilan siya ng may ma-realize. Kaagad na nakadama siya ng lamig. Pero hindi yun ang nasa isip niya. Inalis nito ang comforter na bumabalot sa kanya at ngayon ay alam niyang kitang-kita na nito ang hubog ng katawan niya dahil manipis lang ang suot niyang pantulog.
Naramdaman niya rin ang pag-tahimik nito. Siguro ay naasiwa din ito sa hitsura niya. Hindi siya gumalaw sa pagkakahiga dahil inaasahan niyang aalis din ito doon. Alam naman ata nito na mali ang ginawa nitong pamamasok sa kwarto niya lalo na at babae siya at lalaki ito.
Pero mayamaya lang ay naramdaman niya ang pag-angat niya sa kama niya. Awtomatikong nawala ang antok na nararamdaman niya dahil sa ginawa nito.
"Ibaba mo ako!" Sigaw niya dito at pinag-susuntok ito sa dibdib nito. "I'll sue you for doing this to me." Banta niya dito.
"Try me Kenedy." Sabi nito at ibinaba siya sa floor ng banyo niya. Bago pa siya maka-react ay nagising na ang diwa niya ng bumuhos sa kanya ang malamig na tubig ng i-on nito ang shower niya.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...