CHAPTER 12
Matapos ang misa ay nag-sabi ang mag-asawa na mamamasyal daw muna sila bago umuwi. Kumain muna sila sa isang mamahaling restaurant na nasa loob ng mall na pinuntahan nila bago sila mamamasyal.
"Iha try their buttered shrimp-"
"Mom allergy siya sa shrimp." Putol ni Dranreb sa sinasabi ng ina. Napa-ngiti siya sa pagiging thoughtful nito. At least ay natandaan nito na may allergy siya sa hipon.
Napatango na lang ang Mommy nito at hinayaan siyang umorder ng kung anong gusto niya. Habang kumakain sila ay todo asikaso sa kanya si Dranreb. Gusto niyang sawayin ito dahil nakikita niya ang panunuksong tingin sa kanila ng mga magulang nito.
Nang mapansin niyang may pagkain sa gilid ng bibig nito ay awtomatikong gumalaw ang kamay niya at pinunasan iyon. Ngumiti ito dahil sa ginawa niya habang siya naman ay nag-kunwaring normal lang sa kanya ang ginawa niya.
Nang matapos silang kumain ay nag-paalam ang mag-asawa na pupunta sa salon para magpa-massage. Nahiya naman siyang sumama sa mag-asawa dahil baka maka-istorbo siya. Kaya ang labas ay bubuntot siya sa mag-kapatid.
"Mukha akong third wheel ha." Sabi ni Dalton na nasa likod nila.
"Lumayas ka dito." Sabi ni Dranreb sa kapatid nito. Tumawa lang si Dalton sa kapatid nito at talagang iniwan nga sila.
Hinila siya ni Dranreb sa isang boutique. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya na para bang mawawala siya kapag nabitawan siya nito. Sumalubong sa kanila ang isang saleslady at hindi naka-ligtas sa mga mata niya ang pagpapa-cute nito sa kasama niya.
"Good day Sir, how can I help you?" Tanong ng saleslady na ikinataas niya ng kilay. Talagang si Dranreb lang ang binati nito.
"We don't need your help. Go entertain the other costumers we'll call you if we need help" Sabi ni Dranreb sa saleslady.
Gusto niya itong sawayin dahil sa pagsusungit nito sa saleslady, pero hindi niya ginawa dahil deserve rin ng saleslady iyon dahil sa pagpapa-cute sa bodyguard niya. Umalis naman ito kaagad sa harap nila na mukhang hiyang-hiya.
Bumalik siya sa pagtingin sa mga damit at nang may matipuhan ay masaya siyang humarap sa salamin habang tinitingnan kung bagay sa kanya ang isang sleeveless jumpshort.
"Ganyan ba talaga ang mga gusto mong damit? It reveals too much skin." Napatingin siya kay Dranreb na nakasandal lang sa isang tabi habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya.
"Anong gusto mo Lieutenant? Yung damit na balot na balot ako? Mainit dito sa Pilipinas and wearing this called fashion. Ito ang uso ngayon." Sabi niya at tumingin-tingin ulit sa mga naka-display na damit.
"Tsk. Kaya madaming nababastos dahil sa pakiki-uso niyo." Komento ulit nito. Bahagya siyang natigilan sa tinuran nito.
"So I won't buy this na?" Sabi niya at humarap dito. Naka-pamulsahan ito habang naka-sandig pa din sa wall. Nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay hindi nga siya nagkamali. Nakukuha nito ang atensyon ng maraming tao. Lalo na ang mga kababaihan. May ilang teenagers pa na naghahagikhikan habang tinitingnan si Dranreb.
"Buy it. But you should wear it only when you are with me. Para maprotektahan kita sa mga lalaking titingin sayo." Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito.
Mabilis siyang tumalikod at nag-kunwaring tinitingnan ang isang damit para maitago ang pag-ngiti niya. Nararamdaman niya rin ang pag-iinit ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...