Chapter 14

2.2K 88 4
                                    

CHAPTER 14

Hinayaan niya lang ang binata na parang batang naglalambing kung makayakap sa kanya. Akala niya ay nakatulog ulit ito pero maya maya lang ay maingat na dumagan ang kalahating katawan nito sa kanya para magpantay ang mga mukha nila. Nakatukod ang kamay nito sa gilid niya para hindi siya mabigatan.

Napalunok siya dahil sa posisyon nila lalo na at titig na titig ito sa kanya. Bigla tuloy siyang na-conscious sa hitsura niya. Hindi pa man lang siya nanuklay o kaya ay nakapaghilamos.

"Bakit ka umalis dito noong isang gabi?" Seryosong tanong nito pero nasa tono pa rin ang lambing. Nagsisimula na ba siyang i-interrogate nito?

Bahagya siyang natigilan at sandaling hindi makatingin ng deritso dito. Ayaw niyang sabihin dito na nakita niya ang paghahalikan nito at ni Barbie.

Lumikot ang mata niya at nag-isip kung ano ang sasabihin dito.

"Hmmm?" Sabi nito matapos ang ilang sandali na pananahimik niya.

Lalo siyang hindi makapag-isip ng mabuti dahil sa posisyon nilang dalawa. Bakit ba kailangan ay ganito kalapit ang mga katawan nila sa isa't-isa? Ang bagong gising looks nito ay lalong dumagdag sa taglay nitong karisma.

"I'm waiting Princess"

"Umalis ako kasi sobrang bored na ako dito" sabi niya at tahimik na magdasal na sana ay paniwalaan nito ang palusot niya.

Nang bigyan siya nito ng looks na parang nag-iisip ito at kinukumbinsi ang sarili na totoo ang sinabi niya ay alam na niya kaagad na hindi nito bibilhin ang palusot niya.

"Try again Princess. I told you, you're not good at lying" Sabi nito na lalong hinapit ang beywang niya.

Sa sinabi nito ay napapikit na lang siya dahil sigurado siya na hindi siya nito titigilan hanggang hindi siya nagsasabi ng totoo.

"Sige hindi kita pakakawalan hangga't hindi ka nagsasabi ng totoo. We'll stay like this all day. Hahayaan ko na isipin ni Mommy na binabahay na kita" sabi nito na may naglalarong ngisi sa mga mata.

"I saw you and Barbie kissing" mahinang sabi niya na hindi makatingin dito. Nakatutok lang ang mga mata niya sa matitipuno nitong dibdib.

Bahagya itong natigilan sa sinabi niya.

"Dahil doon kaya ka umalis?" Pag-konpirma nito sa sinabi niya.

Nahihiya lang siyang tumango dito na hindi pa rin magawang tingnan ito.

Naramdaman niya ang paghawak nito sa baba niya para magpantay ang mga tingin nila.

"Kaya ba umiyak ka? Don't lie to me namumula ang mata mo noong isang gabi." Tahimik lang ulit siyang tumango dito.

Hinapit ulit siya dito dahil sa pag-amin niya. Ibinaba nito ang mukha sa leeg niya at naramdaman niya ang malalim nitong pagbuntong hininga.

"I'm sorry if you have to see us like that." Sabi nito habang nakabaon ang mukha sa leeg niya. Hayun na naman ito sa pagsinghot sa leeg niya na para bang adik na adik ito sa amoy niya. "I didn't kissed back. Hindi mo ata nakita na itinulak ko siya." Dagdag nito

Nagpantay ulit ang mga mata nila at nakita niya na parang hirap na hirap ito. Maya maya ay ngumisi ito at nagsalita.

"Mukhang nagseselos ang Prinsesa ko." Nakangiting sabi nito.

Hindi naman niya magawang magsalita para itanggi iyon dahil magmumukha lang siyang katawa-tawa.

"Barbie likes you" sa halip ay seryosong sabi niya dito.

"And I don't like her" mabilis na sabi nito. "Yes, Barbie admits that she likes me, matagal na yun bago pa ako pumasok sa PMA. Akala ko mawawala din ang pagka-gusto niya sakin pero mukhang hindi pa."

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon