Chapter 11

2.5K 87 11
                                    

CHAPTER 11

Hindi na nawala ang panunukso sa kanila ni Dalton na tinatawanan lang ni Dranreb. Sinasaway naman ito ng ina nito dahil napapansin na nito ang pagka-ilang niya at halata na rin ang pamumula ng mukha niya.



Tumigil nga si Dalton pero sa tuwing magtatama naman ang mga mata nila ay nandun pa rin ang panunukso. Nang sumapit ang tanghalian ay bumalik sa pagiging maasikaso sa kanya si Dranreb.



Pasimple niya namang sinisipa ito sa ilalim ng mesa dahil kulang na lang ay subuan siya nito na labis niyang ikina-ilang, lalo na at paminsan-minsan ang pag-sulyap sa kanila ng tatlong kasama nila sa hapag.



Matapos ang pananghalian ay pumanhik siya sa silid niya para makapag-pahinga. Ang mag-asawang Morgan ay ganun din ang ginawa. Samantalang ang magkapatid ay titingnan daw ang mga trabahador sa hacienda. Gusto niya sanang sumama sa dalawa pero baka hindi pumayag si Dranreb. Masyado ring masakit sa balat ang sikat ng araw kaya pinili na lang niyang manatili.




Bago siya mag-siesta ay tinungo niya ang sliding door patungo sa veranda ng silid niya at tinanaw ang malawak na kalupaan ng mga Morgan. Nasa mataas na bahagi ang bahay kaya tanaw na tanaw ang isang bahagi ng hacienda. Sigurado siya na ang natatanaw niya ay hindi pa kalahati sa buong kalupaan ng mga Morgan. Ang kwento kasi sa kanya ng mga katulong sa bahay ay lagpas limang daan ang tauhan nila Dranreb dahil sa sobrang lawak ng hacienda. Mula sa kinaroonan niya ay makikita sa malayo ang ilang mga tao na abala sa trabaho.



Nang mapagod sa kakatanaw sa malawak na lupain ay pumasok na siya sa silid niya at humiga doon. Binuksan niya lamang ang sliding door para pumasok ang fresh air.




Nang mga sumunod na araw ay hindi na siya nakadama ng pagkabagot sa bahay ng mga Morgan. Lalo na at normal na ulit ang samahan nila ni Dranreb.





Natutuwa din siyang makipag-kwentuhan kay Ara kapag nilalabahan nito ang mga damit niya. Nag-offer siya na turuan na lang siya nitong maglaba para siya na lang ang gagawa nun pero marahas ang naging pag-tanggi nito. Baka daw masisante ito ni Dranreb kapag pinaglaba siya.




Isang hapon ay natuwa siya ng sabihan siya ni Dranreb na ipapasyal daw siya nito sa hacienda.  Medyo nagulat pa siya dahil may time ito na samahan siya sa hacienda. Sigurado siya na sinabihan na naman ito ng Nana Ester niya na ilabas siya sa bahay. Nabanggit niya kasi sa butihing kasambahay na gusto niyang makita ang buong hacienda.


Napansin niya na sa nakalipas na mga araw ay sobrang busy ito. Kung hindi ito umaalis ay abala naman ito sa harap ng laptop nito at ang daming tumatawag dito na siguro ay tungkol sa trabaho.



"Mag-palit ka ng damit, ayaw ko ng suot mo." Sabi nito ng sulyapan ang suot niyang short na expose ang mapuputi niyang legs.



Napakibit balikat na lang siya at sinunod ang utos nito na mag-bihis siya. Nag-palit siya ng jeans na tinernuhan ng puting sando. Kinuha niya ang black boots sa maleta niya at isinuot. Itinirintas niya pa ang mahabang buhok. Nang humarap siya sa full-length mirror ay napangiti siya dahil mukha na siyang cowgirl.



Lumabas na siya sa kwarto niya at pinuntahan si Dranreb na mukhang hinihintay na siya.


"I'm ready." Tawag niya sa pansin nito. Pinasadahan siya nito ng tingin, kitang-kita sa mga mata nito ang paghanga sa kanya. Lumapit ito sa kanya at ito mismo ang nagsuot sa kanya ng hawak nitong cowboy hat.


"Ayos ha." Napatingin sila pareho kay Dalton na kararating lang sakay ng kabayo. "Mukhang naka-couple attire kayo." Sabi nito ng mapatingin sa hitsura nila.


The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon