Chapter 29
"I'll marry you again. Soon" sabi ni Dranreb sa kanya. Hindi na iyon narinig ng iba dahil sa malakas na tugtug at sigawan ng mga guest.
Sa tinuran nito ay hindi na siya nakatiis at mabilis na nag-lakad palayo doon. Muntik pa siyang madapa dahil naapakan niya ang mahaba niyang gown.
Nakangiti siya habang palabas sa venue. Ayaw niyang ipahalata na masyado siyang affected sa 'joke' ni Dranreb. Pilit ang mga ngiti niya kahit ang totoo ay nag-ngingitngit na siya sa galit, inis, at sama ng loob. How dare him na sabihin iyon sa kanya? Kahit na sabihin na joke lang iyon ay hindi niya pa din nagustuhan.
Ayaw niya ng ganung usapin, lalo na at hindi maganda ang naging experience niya. Marrying Dranreb is a mistake. Nagkamali siya sa desisyon niya na magpakasal dito. Kasi siguro kung hindi siya nadala sa mga pambobola nito ay sana hindi nagkanda-letse-letse yung buhay niya. Sana ay naging makabuluhan ang nakalipas na mga taon para sa kanya.
Pagkalabas niya ng hotel ay tuluyan ng bumuhos ang emosyon na kanina niya pa pinipigilan. Nag-lakad lang siya ng nag-lakad kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Dumiretso siya sa likod ng hotel dahil ang sabi ng kaibigan niya ay dagat na daw yun.
Nang makarating nga siya sa likod ay nakita na niya ang sinasabing dagat. Nandun nakaparada ang isang malaking yate na gagamitin mamaya ng mga guest para sa island hopping.
Nang makarating siya sa dalampasigan ay halos madapa siya dahil sa suot niyang heels. Hinawakan niya ang laylayan ng suot niyang gown at tinanggal ang suot niyang sapatos bago nag-lakad ng naka-paa sa dalampasigan.
"Ang kapal ng mukha niya para umasta na parang walang nangyari!" Himutok niya habang naglalakad sa dalampasigan.
Tumulo na ang mga luha niya dahil sa kabila ng nagawa nito sa kanya noon ay malaki pa rin ang epekto nito sa kanya. Aminado siya sa bagay na iyon.
Sinipa niya ang maliit na bato na nadaanan. Pero natumba siya at napahiyaw sa sakit. Napahawak siya sa paa niya na namamanhid dahil sa pag-sipa niya sa bato. Akala niya ay simpleng bato lang ang sinipa niya pero nakabaon pala iyon sa buhangin.
"Balak mo bang magpakamatay ha?"
Napalingon siya sa nag-salita na walang iba kundi si Dranreb. Hindi niya alam na nasundan pala siya nito.
"Get lost!" Sigaw niya dito at binato ito ng buhangin.
Narinig niya ang mahinang pag-mumura nito at ang pag-kusot nito sa mga mata nito. Mukhang may pumasok sa mga mata nito na mga buhangin.
Natigilan naman siya at na-guilty sa ginawa niya. Nang makita niya ang mga mata nitong tumingin sa kanya ay namumula iyon. Natahimik siya at hindi alam kung magso-sorry ba siya o hindi. Sa huli ay tumahimik na lang siya at sumulyap sa dagat.
Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya at tumanaw din sa malawak na karagatan. Tumayo siya para makalayo dito pero natumba ulit siya dahil sa kumikirot niyang paa. Nang tingnan niya ang paa niya ay dumudugo iyon.
Napabaling siya sa katabi niya nang marinig ang bahagyang pag-tawa nito. Nakita niya na sa dagat pa rin ito nakatingin. Kumuha ito ng isang maliit na bato at ibinato sa tubig.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomanceNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...