Chapter 31
Pagbaba ni Kenedy sa hagdan ay mabilis siyang sinalubong ni Venice at yumakap sa kanya. Napangiti naman siya at binuhat ang bata. Nakabihis na siya ng simpleng bestida at ganun din ang anak niya. Sumulyap siya kay Manang Naida na nakamasid lamang sa kanila habang nakangiti. Ngumiti siya dito para magpasalamat. Alam niya na ito ang nagpaligo sa bata.
"Sowie Mama" Sabi sa kanya ni Venice habang naka-pout ito. Parang hinaplos naman ang puso niya dahil sa sinabi nito.
Hinalikan niya ang naka-pout nitong labi at ngumiti dito. "It's okay baby" sabi niya dito. Hindi naman nito kailangang humingi ng sorry sa kanya dahil bata lang ito. Natural ay hahanapin nito ang kinagisnan nitong mga magulang. Naramdaman niya ang mga yabag ni Dranreb na papalapit sa likod niya pero hindi niya iyon pinansin.
"Thank you Mama, I wab you" Lalo siyang napangiti sa sinabi ng anak niya.
"I love you too baby" Sabi niya dito bago ito pinanggigilan na halikan sa mukha. Sa ginawa niya ay kumalat sa boung bahay ang malakas na tawa nito.
"Papa is jelous" rinig niyang sabi ni Dranreb sa likod niya. Humarap siya dito habang karga si Venice.
"I wab you Papa" mabilis na sabi dito ni Venice. Nakita niya naman sa mukha ni Dranreb ang kakaibang kasiyahan.
"I love you more little Princess" sabi ni Drabreb at lumapit para halikan ang anak nila. Dahil karga niya si Venice ay sobrang lapit na ng binata sa kanya. Pati ang mabangong samyo nito ay amoy na niya.
Akala niya ay lalayo na ang binata pero nagulat siya ng hapitin nito ang baywang niya. Nang magtama ang mga mata nila ay ayun na naman ang mabilis na pagpintig ng puso niya. What's with that dark brown eyes at sobra ang epekto sa kanya?
"I love you too" malambing na sabi nito sa kanya, at ang hindi niya napaghandaan ay nang bigyan siya nito ng smack na halik sa mga labi niya.
Napalunok siya at hindi alam kung paano magre-react dito. Nagpasalamat siya ng matawag ni Venice ang pansin niya dahil may itinuturo ito sa kanya.
Umiwas siya ng tingin kay Dranreb at sinundan ang itinuturo ni Venice. Nakita niya naman sa sofa ang mga shopping bags na may tatak ng sikat na shop para sa mga bata. Sigurado siya na gamit iyon ng anak niya at si Dranreb ang bumili.
"Mama toys!" Sabi sa kanya ni Venice na tuwang-tuwa. Bukod sa mga damit ay may mga laruan din doon. May mga paper bags pa na ang tatak ay ang mga ginagamit ni Venice na gatas, vitamins, at mga baby bath soap and shampoo. Ngumiti siya sa bata at tumingin kay Dranreb. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa ginawa nito.
"Let's eat our breakfast" Sabi ni Dranreb at kinuha sa mga bisig niya si Venice. Kinausap nito ang bata at sinabi na mamaya na bubuksan ang mga gamit nito.
Pagsapit nila sa dining area ay nagulat siya sa dami ng pagkain na naroon. May fried rice at iba't-ibang ulam na kagaya ng hotdog, bacon, sunny side-up egg, fried fish, ham, at may umuusok pang kape. Mayroon ding toasted bread at fresh pineapple juice. Ipinaghila siya ni Dranreb ng upuan bago ito umupo sa kabisera.
"Sir akin na muna po ang anak niyo" presinta ni Manang Naida habang nasa kandungan ni Dranreb si Venice.
"It's okay Manang. Gusto kong maranasan na alagaan ang anak namin. Pakikuha na lang po ang bottled milk ng anak ko." Nakangiting sabi ni Dranreb dito. Nang akmang lalagyan nito ng pagkain ang plato niya ay pinigilan niya ito.
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
RomansaNaniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng s...