Chapter 22

2.2K 74 12
                                    


Chapter 22



Ang paglipas ng araw ay tila ba kay dali para kay Kenedy. Sa sobrang saya at contentment na nararamdaman niya ay hindi niya namalayan na lagpas isang buwan na silang nakatira doon.



Being Mrs. Dranreb Morgan is one of the best thing that ever happened to her. At hinding-hindi niya pagsisisihan na pinakasalan niya ito. Every single day ay lalong ipinaparamdam sa kanya ng asawa niya kung gaano siya nito kamahal.



Lalo itong nagiging sweet sa kanya sa bawat araw na lumilipas. They will spend their night cuddling and she will wake up with his warm tight arms around her. Ang kasiyahan na nararamdaman niya ay sobra-sobra na kahit ang buhay niya sa Manila ay nakalimutan na niya.





Sandali muna niyang isinantabi ang ama niya na tutol sa relasyon niya sa binata. Saka na niya haharapin ang daddy niya kapag handa na siya. Sigurado naman siya na nasa isip na ng asawa niya na ipaalam sa ama niya ang tunay na estado nila.




Malalim na lang siyang napabuntong-hininga at inilagay ang mga T-shirt ni Dranreb sa closet. Sa nakalipas na isang buwan ay naipasyal na siya ng asawa niya sa ilang tourist spots sa bayan na iyon. Nakapag-shopping na din sila kaya kahit papaano ay marami na ang damit niya.




Bago niya maisara ang closet ay dumako ang tingin niya sa sanitary pads na wala pa ding bawas. Napakunot ang noo niya at inalala kung kailan siya huling dinatnan.





Mabilis siyang natigilan ng ma-realize na two weeks na siyang delayed. Regular ang buwanang dalaw niya kaya hindi niya maiwasang maghinala. Napalunok siya at hindi niya alam ang mararamdaman kung sakaling tama nga ang hinala niya.




Mabilis siyang humarap sa salamin at pinagmasdan ang sarili niya. Wala sa sariling kinapa niya ang flat niyang tummy. First time na na-delayed ng ganun katagal ang dalaw niya kaya malakas ang hinala niya na baka buntis siya. Pero kaagad din na nawala ang hinala niya ng mapansin na wala naman siyang nararamdaman na kahit anong sintomas na buntis siya.




Ngunit kaagad siyang napailing ng maalala na may ibang cases na walang ipinapakitang symptoms.




Seryoso siya sa pag-iisip sa posibilidad na baka buntis siya ng biglang bumukas ang pinto sa silid. Kaagad naman na bumungad sa kanya ang asawa niya na dumiretso sa kanya. Hinapit siya nito bago pinatakan ng marahang halik sa mga labi.




"You okay wife?" Tanong nito at bahagyang inilayo pa ang mukha sa kanya para mapagmasdan ng mabuti ang mukha niya.





"Yeah, of course" Sabi niya dito at pilit na ngumiti dito para ipakita dito na okay lang siya. Gusto niyang sabihin dito na baka buntis siya pero kaagad niyang pinigilan ang sarili. Kailangan muna niyang makasiguro kung totoo ang hinala niya bago niya sabihin sa asawa niya.



Pinagmasdan niya ang asawa at sigurado siya na matutuwa ito kung sakali man na buntis nga siya. She can already see her husband carrying and baby sitting their child. Parang hinaplos ang puso niya sa isipin na magkakaanak na sila ng asawa niya. Bigla tuloy siyang na-excite sa isipin na baka buntis siya.




Napakurap siya ng maramdaman ang mabilis na pagpatak ng halik sa kanya ng asawa niya.




"You're spacing out wife" Sabi nito ng mapansin na kanina pa ito nagsasalita pero hindi siya nakikinig dahil wala sa sinasabi nito ang atensyon niya.




"I'm sorry, what are you saying again?" Sabi niya dito.



"Is there any problem Mahal?" Sa halip ay sabi nito imbes na sagutin siya.




The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon