Chapter 10

2.5K 86 18
                                    


CHAPTER 10


Nang mga sumunod na mga araw ay halos hindi na sila magkausap ni Dranreb. Matapos ang engkwentro nila sa kusina kasama si Tristan ay hindi na ulit sila nito nakapag-usap.

Dalawang araw na ang nakakalipas na hindi sila nag-iimikan at dalawang araw na rin na hindi sila nagkakasama sa isang lugar dahil hindi ito dumadalo sa hapag. Pagkagising niya sa umaga ay wala na ito sa bahay at sa tanghali naman ay sumasabay daw itong kumain sa mga trabahador sa hacienda kaya hindi na umuuwi para sumabay sa kanila. Sa gabi naman ay halos hating gabi na ito kung umuwi. Naiintindihan naman yun ng mga magulang nito dahil may tina-trabaho daw ito sa hacienda lalo na at panahon ng anihan ng gatas ng mga baka.


Pero sigurado siya na iniiwasan lang siya nito. Hindi naman kasi nito gawain na maglagi sa hacienda. Nagpapasalamat na lang siya dahil mukhang hindi naman napapansin ng mag-asawang Morgan ang namamagitang tensyon sa kanilang dalawa ng binata.


Sa araw na iyon ay dumating si Tristan sakay ng isang kabayo. Namangha siya dito dahil para bang sanay na sanay itong sumakay doon. Hacienderong-haciendero ang hitsura nito dahil sa suot nitong brown cowboy hat. Nakasuot din ito ng dark maong pants na pinaresan ng checkered polo. Naka-suot ito ng boots na lalong nakadagdag sa taglay nitong karisma.


Kumaway ito sa kanya ng makita siya sa terrace at saka bumaba sa kabayo. Alas dyes pa lang ng umaga iyon at katatapos pa lang niyang mag-almusal. Nasa terrace lang siya para magpahangin.


"Good morning Kenedy." Malaki ang ngiting lumapit ito sa kanya. Bumati siya pabalik dito at saka ngumiti din.


"Lalo kang gumaganda ha." Sabi nito na ikinatawa lang niya. Mukhang kailangan na niyang masanay sa pambobola nito. Wala namang bago sa kanya sa araw na yun, nakasuot lang siya ng white maong shorts at pink spaghetti top na expose ang maputi niyang likod.


"Hanap mo si Dalton?" Tanong niya dito.

"Nope. Nangangabayo lang ako at ng mapadaan dito at makita kita ay naisipan kung tumuloy muna dito." Sabi nito at saka tinanggal ang suot na cowboy hat.


"Mukhang magaling kang mangabayo" sabi niya at sumulyap sa kabayo nito na nakatali na isang puno.


"Medyo, naging libangan ko na rin kasi. Ikaw? Do you know how to ride a horse" Tanong nito sa kanya.


"Hindi eh."


"What if turuan kita? Wala ka naman atang gagawin-"


"Hindi siya pwede Tristan." Napatigil sa pagsasalita si Tristan ng marinig nila ang boses sa likod nila. Sabay pa silang napatingin kay Dranreb na prenteng naka-sandal sa pintuan at naka-cross arms. Mukhang kanina pa ito nandun at nakikinig lamang sa kanila.



Nagtagpo ang mga mata nila ng binata at mabilis itong umiwas.


"Kung gusto mong malaya ka pang makapasok sa pamamahay namin ay dapat alamin mo kung hanggang saan ka lang dapat." Seryosong sabi ni Dranreb.


Si Tristan naman ay natahimik sa tinuran ng bodyguard niya. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka tinawanan lang nito sa Dranreb. Pero para bang nasagap na nito ang mapa-nganib na aura ni Dranreb.


Talaga bang kina-career na nito ang pang-aaway kay Tristan na ang tanging gusto lang ay makipag-kaibigan sa kanya? Nakadama tuloy siya ng awa kay Tristan na puro kabaitan lang ang pinapakita sa kanya.



"I'm sorry Tristan, bawal ako sa ganyang activity. Baka mapahamak ako, and I'm sure magagalit yung dad ko if mangyari yun." Sabi niya dahil kung hindi niya tatanggihan ang offer ni Tristan ay baka lalong maghuramentado ang overacting niyang bodyguard. Sigurado siya na magagalit ito dahil kapag napahamak siya ay ito ang sisisihin ng dad niya.


The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon