Chapter 1.
"Riri, Rara. Bilisan niyo!"
Hinihingal kong pahayag sa aking kapatid na kambal. Hawak ko sila sa aking mag-kabilang kamay.
Halos madapa si Riri ng mapatid siya sa isang malaking sanga na nadaanan namin. Patuloy parin kami sa pagtakbo. Ang takot na namumuo sa aking katawan ay hindi ko na kayang pigilan. Hindi iyon takot para sa sarili ko, takot iyon para sa dalawa kong nakababatang kapatid.
Nasa gitna kami ng kagubatan. Hindi na rin gumagana ng maayos ang utak ko dahil sa sobrang kaba. Wala akong maisip na paraan para matakasan ang mga taong humahabol sa amin.
"A-Ate, n-natatakot ako."
Nanginginig na pahayag ni Rara. Sobrang putla ng mukha niya at pawisan na rin ang noo niya. Ramdam ko ang malamig na kamay nilang dalawa.
Lumingon ako sa likod at halos manlaki ang mata ko ng makita ko na malapit na ang mga taong humahabol sa amin.
Agad kong hinigit ang dalawa papunta sa likod ng malaking puno. Nang makapagtago kami ay tsaka lang kami tumigil. Hinihingal kaming tatlo dahil sa pagtakbong ginawa namin.
Hinarap ko ang dalawa kong kapatid. Iniluhod ko ang isa kong tuhod para mapantayan ko silang dalawa.
Nang mapantayan ko si Riri at Rara ay napansin ko agad ang mga luhang namumuo sa kanilang mga mata. Napakagat ako sa aking labi at nag-aalala ko silang tiningnan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon.
Niyakap ko ng mahigpit ang kambal kong kapatid. Makalipas ang ilang segundo ay humiwalay na ako sa kanila at muli ko silang tiningnan.
"Riri, Rara, can you do me a favor? I'll count one to three. Tatakbo kayo ng sabay na magkawahak ang kamay. Huwag kayong lilingon basta tumakbo lang kayo ng tumakbo. Can you do that for me? Please."
Humihikbing tumango si Riri. Walang nagawa si Rara ng tiningnan ko ng seryoso ang mga mata niya.
"Ate promise us that you'll be safe no matter what happen."
Nag-aalalang pahayag ni Rara sa akin habang hawak ang aking pisnge. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
"I promise. Don't worry about me. You know, I am a very strong older sister."
Ngumiti sa akin ang kambal pero halata pa rin ang kaba at takot sa kanilang mga mata.
Itanaas ko ang aking tatlong daliri.
"One."
Hindi na napigilan ni Rara ang pag-iyak. Niyakap siya ni Riri. Huminga ako ng malalim bago sumilip sa may puno.
"Two, Three. Takbo!"
Kasabay ng pagtakbo nila sa kabilang direksyon ay ang paglabas ko sa pinagtataguan namin. Hinarap ko ang mga kampon ng dilim na kanina pa humahabol sa amin.
Binigyan nila ako ng ngising malademonyo. Hindi ko gusto ang ngiting nakapaskil sa labi nila.
Kayang-kaya ko silang labanan kanina pero dahil kasama ko ang aking kambal na kapatid ay hindi ko sila hinarap. Sigurado ako na mapapahamak si Riri at Rara kapag kasama ko sila. Ayokong masaktan sila at madamay sa walang kwentang bagay na ito.
"Hindi pa ba malinaw sa inyo na wala akong balak sumanib sa mga katulad niyong halang ang kaluluwa!"
Naiinis kong sigaw sa kanila. Mariin kong naiyukom ang aking kamay. Matagal na nila akong ginugulo simula ng magkaisip ako ay lagi na silang nasa paligid ko. Matapos ipanganak ang kambal kong kapatid ay pinatay nila ang aking mga magulang.
![](https://img.wattpad.com/cover/146304505-288-k689997.jpg)
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...