Chapter 16
Pagmulat ng mata ko. Mukha agad ni Vyzon ang aking nakita. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin na para bang may malalim na iniisip. Ipinikit ko muli ang aking mata dahil sobrang nanghihina parin ang aking katawan.
"Why didn't you tell me?"
Seryosong tanong sa akin ni Vyzon. Agad naman akong napamulat dahil sa kaniyang tanong. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang kanyang tinatanong.
"Huh?"
Iyan lang ang tanging lumabas sa aking bibig dahil ako ay naguguluhan.
"Why didn't you tell me that your healing power is weak?"
Pagbubuo niya ng kanyang tanong upang maintindihan ko. Huminga naman ako ng malalim.
"Why do you care?"
Walang gana kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko ay isa ako sa mga nakipaglaban kanina at ako ang natalo sa laban kaya andito ako. Maganda nga siguro kung ganon talaga ang nangyari. Habang tumatagal na nakaseal ang aking kapangyarihan patuloy na humihina ang aking katawan.
Hindi na nagsalita pa si Vyzon. Siguro ay napapaisip rin siya kung bakit niya ba kailangan itanong ang bagay na iyon. Ang mahalaga ay nagamot ko siya. Hindi ko naman siya sinisisi kung yun ang pinag-aalala niya.
"Don't worry. I don't blame you. It's part of our duty. I'm a healer that's why I need to heal someone's injury"
Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nananatili akong nakahiga dahil sigurado akong makakaramdam agad ako ng hilo kapag bigla akong umupo. Nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya.
"No. From now on take care of your self first before the others"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kapag malapit siya sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang nakipaghabulan ako sa kabayo. Nagkakagulo ang sistema ko sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan. Kapag naman naglalapit ang balat namin nakakaramdam ako ng kakaibang electricidad. Bago lang sa akin ang pakiramdam na iyon at hindi ko maintindihan kung ano bang ibig sabihin non.
"Bakit ka pa nandito? I'm awake now. You can leave"
Sabi ko kay Vyzon ng mapansin kong nakatitig parin siya sa akin. Baka matunaw nalang akong bigla sa kanyang malalim na pagkakatitig.
Hindi siya umimik. Tila ba wala akong sinabi sa kanya. Naramdaman ko naman ang kakaibang electricidad na dumaloy sa kamay ko papunta sa aking puso ng hawak ni Vyzon ang kamay ko. Napatingin ako don. Matagal akong napatitig sa malaki niyang kamay na nakahawak sa kamay ko.
"Your soft hand fits mine"
Biglang sabi ni Vyzon habang nakatitig sa mga mata ko. Lumunok ako. Parang may bumara sa lalamunan ko. Agad akong napaupo kaya nabitawan ni Vyzon ang aking kamay.
"What time is it?"
Pag-iiba ko ng usapan. Wala namang suot na wrist watch si Vyzon kaya agad siyang napalingon sa wall clock ng infirmary.
"It's 8 in the evening"
Halos manlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi ni Vyzon. Agad akong tumayo at bumaba sa kama pero agad din akong nahilo kaya inalalayan ako ni Vyzon pabalik sa kama. Pinaupo niya ako.
"You don't need to go back to your dorm just sleep here"
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko na mabasa ang kanyang expression. Huminga ako ng malalim. Nakaupo parin ako sa kama. Tumabi naman sa akin si Vyzon.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
