Chapter 10
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising nalang ako dahil sa isang nakakarinding busina na nanggagaling sa speaker na nasa loob ng dorm namin. Iyon ang speaker na konektado sa buong paaralan at hindi lang sa dorm namin meron non dahil lahat ay may ganon sa kanilang mga kwarto sa buong hallway.
Napaupo ako sa kama at nakita ko rin na nagising na si Helena. Kinusot ko ang aking mata.
"To all students. Proceed to the gymnasium right now"
Napatingin naman ako kay Helena.
"Pupunta ka?"
Tanong ko dito. Tumango naman siya. Mabilis kaming naligo at nagbihis ng uniform. Humihikab akong naglakad palabas ng dorm. Napansin ko naman na kami nalang ni Helena ang nandito sa dorm. Lahat siguro ay nasa gymnasium na.
Inaantok pa ako at ganun din naman si Helena. Wala akong ideya kung bakit pinatawag lahat ang estudyante sa gymnasium.
Nang makarating kami sa gymnasium ay sobrang lawak non. May mga bleachers sa magkabilang tabi at may stage sa pinakaunahan. Kalahati ng lawak ng field ang lawak ng gymnasium kaya mapapanganga ka talaga sa sobrang laki. Makinis din ang sahig at kung hindi maingat sa paglalakad ay maaring madulas.
Nakatayo lang kaming lahat at nakaharap kami sa may stage. Nandon ang head master at ang ilan sa mga faculty member. Pati ang mga SSG ay nasa stage rin.
"We would like to announce some important things that's why we called everyone's attention. Some of the dark mages tried to break the academy's barrier. They want to get something important to us. Everyone should not let your guard down."
Nagkatinginan kami ni Helena. Alam niya na isa na rin akong kasapi ng mga dark mages dahil wala akong choice. Hawak nila ang kapatid kong kambal. Nandito ako para sa isang bagay at iyon ay ang crystalline diamond stone.
Ang ipinagtataka ko ay bakit pa kailangan magpadala ni Aran ng mga kauri niya para sirain ang matibay na barrier ng paaralan na ito. Nababagalan ba siya dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nakukuha ang crystalline stone kaya gumagawa siya ng kanyang sariling plano? Halos gumulo ang aking utak dahil sa mga naiisip ko. Hindi pwedeng basta nalang pasukin at manggulo si Aran sa Academy na ito para makuha ang bato na iyon. Madaming madadamay.
Madami pang sinabi ang headmaster pero wala na akong naintindihan pa. Ang aking isip ay nasa malayo na. Hindi ko alam kung anong plano ni Aran. Bakit kailangan niya pang mag-ingay. Pwede naman niyang hintayin nalang ang pagbalik ko. Sisiguraduhin kong dala ko ang kailangan niya. Wala siyang tiwala sa akin baka nga iniisip na ni Aran na tinalikuran ko na ang aking kapatid para sa ikaliligtas ko. Hinding-hindi ko iyon magagawa. Mas gugustuhin ko pang mamatay para sa kaligtasan ng aking kapatid at ng mga tao dito sa Light Empire.
Bumalik si Helena sa aming dorm samantalang pumasok na ako sa aking klase. Naabutan ko si Macy na nakikipagdaldalan sa iba pa naming kaklase. Napailing na nalang ako.
Nginitian ako ni Macy ng makita niya ako. Umupo ako sa kanyang tabi kaya agad niya akong hinarap. Inirapan ko siya para malaman niya na wala ako sa mood makinig kung ano man ang sasabihin niya.
"Trix. May transferee sa kabilang section. Ang gwapo at sobrang hot pero mas hot parin si Vyzon at mas gwapo. Yuan Hamish ang pangalan at isa siyang Air Golden User"
"Macy. He's not a transferee. Umalis lang siya dito sa Academy dahil sa pustahan nila ni Vyzon at dahil natalo si Yuan. Wala siyang nagawa. Wala ka pa kasi dito nung isang taon"
"Shut up Lyka. Hindi ikaw ang kinakausap ko"
Umirap pa si Macy sa kaklase namin na ang pangalan ay Lyka. Kahit ayokong makinig sa kanila ay wala akong magagawa dahil malapit sila sa akin at katabi ko naman itong si Macy.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
