Chapter 8

27.6K 1K 101
                                        

Chapter 8

Itinukod ko ang kamay ko sa lamesang malapit sa akin para makatayo ako at makabalanse. Itinaas ko ang aking paa na nasprain. Sa kamalas-malasan ay kanang paa pa ang hindi ko maituntong sa ground. Kung kaliwa ang nasprain kaya kong kontrolin ang aking balanse kahit kanang paa lang ang nakatuntong sa sahig.

Nakita ko naman si Stacey na halatang natatakot kay Vyzon. Tumakbo naman ang babaeng nagpalutang sa akin sa ere pero hindi ito nakalayo. Bigla siyang humarap at  tumakbo pabalik sa pwesto niya kanina.

Napatingin ako kay Macy na nakangisi. Alam kong siya ang kumokontrol sa katawan ng babaeng iyon.

Umapoy ang palda ni Stacey at ng babaeng nagpalutang sa akin. Halos magsisigaw si Stacey dahil napapaso siya ng apoy ni Vyzon. Ganun din naman ang babaeng air user.

Pati ang coat nila ay nag-aapoy na rin. Halos tumakbo palabas ng cafeteria ang mga kasamahan ni Stacey dahil sa sobrang takot. Halos matuod naman sa kinatatayuan ang mga manonood.

"Get the two girls away from Vyzon's sight. Now!"

Sigaw ng isang babae. Natatandaan ko rin na siya ang babaeng nagsabi kay headmaster na hindi nila matupok ang apoy ni Vyzon.

Agad na may sumunod sa kanya. Lumutang si Stacey at ang air user. Hindi parin nawawala ang apoy sa katawan nilang dalawa. Halos kita ko ang paghagulgol nila dahil nasisigurong mainit ang apoy ni Vyzon.

"She's Mirana Doyle. The president of school student government at ang mga naglabas sa dalawang bruha na iyon ay miyembro ng SSG"

Napatingin ako kay Macy. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

"You look like a mess Trix. Butas butas na yang damit mo. Ano pang hinihintay mo. Heal your own wounds"

Napalunok ako sa sinabi ni Macy. Kahit gustuhin kong pagalingin ang aking sarili ay hindi ko kaya dahil nagamit ko na ito kanina pero dahil sobrang dami kong tama ay hindi ko na pinilit pa. May infirmary naman kasi.

Naglakad ako. Hindi ko pinansin si Macy. Agad naman akong natumba. Nakalimutan ko na maysprain nga pala ako. Nananatiling tahimik ang buong estudyante ng cafeteria. Kami lang dalawa ni Macy ang nag-uusap. Para bang napipi sila at naging bato na. Napailing naman ako.

Agad akong inalalayan ni Macy para makatayo. Tiningnan ni Macy ang kanan kong paa at agad siyang napatakip ng bibig.

"What the! Bali ang buto mo?"

Umiling naman ako sa kanya. Kahit kailan talaga ay napakaO.A niya. Sprain lang naman ito.

Napatingin kami ni Macy sa lalaking nakaharap sa amin ngayon. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang aking itsura. Hinawakan niya ang pisnge kong may paso kaya agad kong tinapik ang kanyang kamay.

Nakarinig naman ako ng singhapan. Hindi ko iyon pinansin. Umakbay ako kay Macy na ikinagulat niya.

"Lead the way to infirmary"

Sabi ko kay Macy na nakatulala sa gwapong mukha ni Vyzon. Bumuntong hininga ako bago ko inulit ang aking sinabi. Napatingin naman sa akin si Macy. Tumango siya pero biglang nagsalita si Vyzon.

"Let me carry her" Aroganteng sabi niya. Para siyang nag-uutos na ibigay ako ni Macy sa kanya.

Agad naman akong itinulak ni Macy kaya bumagsak ako sa dibdib ni Vyzon pero agad akong umayos ng tayo.

Hindi mapaka-paniwalang tiningnan ko si Macy. Ang mga mata niya ay nagniningning habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko.

Sa isang iglap. Buhat-buhat na ako ni Vyzon ng pabridal style. Wala naman akong nagawa dahil nasa bisig na ako ni Vyzon. Kahit magpumiglas ako ay hindi niya ako bibitawan.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon