Chapter 11
Nasa library ako ngayon. Kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ko na ulit makita ang librong nakita ko tungkol sa crystalline diamond stone. Binalikan ko na kung saan ko iyong nahulog at nakita pero nabigo lang ako dahil wala na don ang bagay na iyon. Hindi ako sumuko sa paghahanap dahil iyon nalang ang tanging naiisip ko na pwedeng makatulong sa akin. Baka nailagay lang sa ibang shelf kaya dapat kong ayusin ang paghahanap.
Nang mapagod ako sa paghahanap ay umupo muna ako sa isa sa mga upuan dito sa library. Kita ko ang maliit na librarian na kanina pa nagtatakang nakatingin sa akin. Kung magtatanong ako sa kanya baka paghinalaan niya ako. Hindi ako makakapayag na mangyari yon.
Nakita ko si Thea at Theo na magkasamang pumasok ng library. Agad nila akong nakita at sabay silang ngumiti. Tuwing nakikita ko sila ay nangungulila ako sa aking kapatid na kambal. Nakakainis. Iniwasan ko sila ng tingin.
Umupo sila sa aking harapan. Hindi ko sila pinansin. Hinayaan ko lang sila na umupo sa unahan ko.
"What are you doing here?"
Tanong sa akin ni Thea pero hindi ko iyon pinansin. Kunwari ay wala akong nakikinig. Naisip ko na dati na magtanong sa isa sa mga kakilala ko dito kung alam ba nila kung saan tinatago ang batong hinahanap ko pero hindi ko ginawa dahil baka makahalata sila. Gagawin ko nalang iyon kapag wala na talaga akong pagpipilian.
"Why so snob Trix? I know you're kind hearted"
Nakangiting sabi ni Thea. Nahihiyang nakatingin lang sa akin si Theo. Wala akong balak makipagdaldalan. Tumayo at iniwan silang dalawa.
Lumabas na ako sa library. Mamaya ko nalang ipagpapatuloy ang paghahanap dahil nagugutom na ako. Pakiramdam ko habang tumatagal na nakasealed ang aking kapangyarihan ay unti-unti rin nauubos ang aking enerhiya sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan.
Hindi ko alam kung anong plano ni Aran. Kailangan ko siyang maunahan na mahanap ang crystalline diamond stone dahil sigurado akong papatayin niya ng walang awa ang aking kapatid na kambal kapag nabigo ako sa mission ko dito. Hindi ko hahayaan na masaktan niya ang aking mga kapatid. Wala akong laban kay Aran ngayon dahil nakasealed ang aking kapangyarihan.
Nang paliko na ako sa pasilyo ay hindi ko namalayan na may makakasalubong ako kaya hindi ko sinasadyang mabangga ang taong iyon. Nanatili akong nakatayo samantalang napaupo ang babaeng nabangga ko. Agad kong inabot ang kamay ko sa kanya para makatayo siya. Tinanggap naman niya iyon.
"Thanks"
Sabi ni Hestia. Mukha siyang nagmamadali sa kanyang itsura. Agad kumunot ang noo ko. Hindi dapat ako makialam sa mga estudyante dito pero hindi ko mapigilang hindi macurious.
"What's the matter"
Tanong ko sa nagmamadaling si Hestia. Natagalan pa siya bago sumagot. Para bang pinag-iisipan kung sasabihin sa akin o hindi. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga.
"Jake is in danger. Tumakas na naman siya at sabi ni Kate nararamdaman niya na madaming nagkalat na dark mages sa labas ng Academy"
Napakurap-kurap ako. Hindi agad ako nakapagreact. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng marinig ko na baka kay masamang mangyari kay Jake sa kamay ng mga dark mage. Hindi pwedeng may madamay na iba dito. Hindi ko mapigilang hindi magalit kay Aran.
Hindi na ako hinintay na magsalita ni Hestia. Agad siyang tumakbo kaya sumunod ako sa kanya. Hindi ko hahayaan na may madamay na iba sa kasamaan ng mga dark mages. Kailangan kong makausap ang isa man lang sa kanila. Hindi pwede ang kanilang ginagawa. Alam kong balak nilang pasukin ang Academy na ito.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasiaSynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
