CHAPTER 3

35K 1.1K 35
                                        

Chapter 3.

Isang malamig na bagay ang bumalot sa buong katawan ko. Sobrang lamig ng tubig kaya nangatal ako. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko. Napaupo ako at niyakap ko ang aking sarili.

Naramdaman ko na kinakalagan na nila ako. Naalala ko na ngayon nila ako dadalhin sa academy ng Light Empire. Niliguan lang siguro nila ako kaya binuhusan nila ako ng tubig. Wala akong nakikitang kahit anong pwedeng lagyan ng tubig. Siguro ay isa sa kanila ang may gawa ng bagay na iyon sa akin.

"Tumayo kana at hinihintay kana ni Heneral Aran sa baba."

Tumayo ako at hindi nagreklamo. Ang aking sira-sirang damit dahil sa paglatigo sa akin ni Aran kagabi ay ngayon ay basang-basa.

Napapatingin lahat ang mga dark mage sa akin ng ako ay dumadaan sa gilid nila. Katulad ng sa akin, ang mga mata rin nila ay walang kabuhay-buhay.

Nang makarating kami sa kinatatayuan ni Aran ay bigla niya na lang akong nilatigo ng napakaraming beses. Hindi ako nagpatinag sa sakit na nararamdaman ko. Nanatili parin akong nakatayo.

"Dahil ayaw mong masaktan ang iyong mga kapatid ay sayo ko binigay ang dapat na parusa nila."

Hindi ako nagsalita. Blanko lang ang mukha ko. Walang buhay ko siyang tiningnan.

Humangin ng malakas at sa isang iglap lang ay may malaking uwak na sumulpot sa harapan namin.

Sumakay ako sa likod ng malaking uwak at may sumunod na isang dark mage sa akin.

"Huwag kang magkakamali binibini. Hawak ko ang buhay ng dalawang mong kapatid. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ang isa sa kanila kapag may ginawa kang hindi ko magugustuhan."

Tumango ako kay Aran. Wala akong balak makipagsagutan sa kanya. Naiintindihan ko rin ang bawat salitang sinabi niya.

"Aasahan ko na magagawa mo ng maayos ng trabaho mo."

Lumapit si Aran sa uwak na sinasakyan ko. Tinapik ni Aran ang ulo ng uwak at bumaling siya sa dark mage na nakaupo sa likuran ko.

"Makakaalis na kayo."

"Masusunod, Heneral Aran."



Lumipad ng napakabilis ang malaking uwak. Hindi ko alam kung kinokontrol ba siya ng dark mage na nasa likod ko o hindi. Lumampas kami sa border line ng Dark Empire. Lumiwanag ang buong paligid kaya napakurap ako ng ilang beses para ma-adjust ang aking paningin.

Malakas ang hampas sa aking mukha ng hangin. Napatingin ako sa pantalon kong suot at halos gutay-gutay na rin iyon dahil sa lakas ng latigo ni Aran. Hindi ko na magagamit ang healing power ko dahil nagamit ko na iyon kagabi at hindi pa ako nakakabawi ng lakas.

Nang makarating kami sa territory ng Magical Light Academy ay umikot-ikot ang malaking uwak sa taas ng matatayog na tore at mga gusali. Halos mamangha ako sa aking nakikita. Sa gitna ay makikita ang malaki at malawak na greenfield. Sobrang lawak non na kahit nasa himapapawid ako ay malaki parin iyon.

Madaming gusali na parang tore akong nakita. Isang malaking palasyo naman ang nasa pinakaunahan ng Magical Light Academy. Tila nakatalikod sa malawak na field. Ang buong lugar na iyon ay nahaharangan ng napakalaking bakod na pader at kita ng aking mga mata ang transparent na nakapalibot sa buong territory ng Magical Light Academy. Barrier.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon