Chapter 2.
Matapos i-seal ni Owel ang aking kapangyarihan ay dinala ako ng dalawang dark mage sa ilang kulungan.
Para akong isang mabangis na hayop dahil sa aking itsura. May posas na bakal sa aking leeg. Maging sa magkabila kong kamay at paa.
Narinig kong si Aran ang nag-utos na lagyan parin ako ng mga posas dahil baka daw maisipan kong tumakas.
Maiisipan ko lang tumakas kung kasama ko ang kambal kong kapatid. Hinding-hindi ako tatakas sa lugar na ito ng mag-isa.
Nasa isang madilim na silid ako. May isang bintana na may bakal. Wala ring liwanag ang nanggagaling sa bintana na yon dahil madilim din ang kalangitan. Laging madilim dito sa Dark Empire. Walang kahit na anong liwanag sa kalangitan.
Ang nagbibigay lang ng ligaw sa loob ng silid na ito ay ang mga torch na nakasabit sa pader. Nakasara ang pinto na bakal. Napailing nalang ako. Sa tingin ba nila ay makakatakas pa ako sa lagay kong ito?
Pakiramdam ko ay nahahawa na ako sa kanila. Para na rin akong lantay gulay at walang kabuhay buhay.
May isang dark mage ang pumasok sa aking kulungan. Pagod na akong manlaban. Isa pa, wala na akong kalaban-laban ngayon. Naka-seal na ang tanging kapangyarihan na nagpoprotekta sa akin. Para mabuhay ang mga kapatid ko kailangan kong sumunod sa kanila.
Blankong tingin ang ibinigay ko sa dark mage na pumasok. May bit-bit siyang pagkain. Walang ganang tiningnan ko lang iyon. Wala akong ganang kumain.
Iniiwas ko ang tingin doon at pumikit. Pakiramdam ko kapag nagtagal pa ako sa lugar na ito ay hindi ko na kakayanin. Sobrang bigat ng atmosphere sa paligid ko. Para bang may pinaglalamayan ang mga tao dito.
Napansin kong lumapit sa akin ang dark mage. Nanatili lang akong nakaupo sa sahig.
Agad akong nakaramdam ng sampal nang makalapit sa akin ang dark mage. Huminga ako ng malalim at walang buhay na tiningnan ko ang dark mage.
"Kumain ka. Hindi maganda ang mood ngayon ni Heneral Aran." Parang hinukay sa kailaliman ng lupa ang boses niya.
Walang emosyon kong tinitigan ang mga mata ng dark mage sa harapan ko.
"Wala akong gana."
Wala akong pake kung magalit si Aran o hindi.
Isang sampal ulit ang natanggap ko. Katulad kanina walang gana ko lang siyang tiningnan. Masakit ang sampal niya pero wala na akong pakealam sa sakit na yon.
"Kailangan mong kumain para hindi ka mamatay ng maaga. Kapag namatay ka, hindi matutuloy ang ritwal."
Nang marinig ko ang sinabi ng dark mage ay mahina akong natawa.
"Really?"
Kung wala ang kambal kong kapatid sa mundong ito ay matagal na akong nagpakamatay. Alam ko rin ang bagay na sinabi ng dark mage. Kailangan ang kapangyarihan ko para mabuhay ang Dark King.
Kung may ibang magpoprotekta at mag-aalaga kay Riri at Rara ay matagal ko na silang iniwan. Pero ako lang din ang pamilya nila at sila lang dalawa ang pamilya ko.
"Huwag mong balakin magpakamatay. Hindi iyon magugustuhan ni Heneral Aran. Kumain kana. Wag kang sumabay sa problema ni Heneral Aran sa Crystalline Diamond Stone."
Lumabas na siya at nilock ulit ang bakal na pinto. Napakunot-noo naman ako. Crystalline Diamond Stone?
Naalala ko yung isang lumang libro na nabasa ko. Para mabuhay ang hari ng dilim. Kailangan ang makapangyarihang mahika ng dilim na hinaluan ng ginto at ang bagay na tinatawag na Crystalline Diamond Stone. Hindi ko alam ang proseso dahil hindi ko tinuloy ang pagbabasa ng lumang libro na iyon pero nakita ko ang larawan ng batong iyon.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasiaSynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
