Wakas

42K 1.3K 245
                                        

Wakas

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Hindi masidhan ang sayang nararamdaman ko. Bumalik na din sa Academy ang mga estudyante nito dati at nag-karoon naman muli ng mga bago.

Naramdaman ko naman na may yumakap sa akin mula sa likod. Hindi ko na kailangan lingunin iyon dahil alam ko na kung sino. Nakatingin lang ako sa kalangitan. Nakatayo sa may veranda ng kwarto ni Vyzon.

Napapangisi naman ako kapag lumalapat ang labi ni Vyzon sa aking leeg dahil nakikiliti ako.

"Tigilan mo nga ako Vyzon" sabi ko sa kaniya ng natatawa. Lalo namang humigpit ang kaniyang pagkakayakap sa akin.

"I love you" biglang sabi niya kaya lalong lumawak ang aking ngiti sa labi.

"Ikakasal na tayo bukas. Hindi ko hahayaan na mawala ka na naman sa paningin ko" usal muli ni Vyzon. Mahina ko siyang siniko.

"Wag kang excited baka hindi na naman matuloy" usal ko sa kaniya. Napakagat labi naman ako ng maramdaman ko ang kamay ni Vyzon na naglalaro sa aking tyan. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng kakaibang kiliti sa kaniyang ginagawa.

"Matutuloy yon. Hindi na ako makakapayag na hindi Yngrid" saad ni Vyzon. Huminga naman ako ng malalim.

"Sabagay. Hindi rin ako makakapayag na maudlot pa ang kasal natin" sabi ko sa kaniya habang nakangisi.

Nanigas naman ako sa kinatatayuan sa gulat ng hawakan bigla ni Vyzon ang dibdib ko. He cupped my breast!

Marahas akong lumayo kay Vyzon na ngayon ay tatawa-tawa. Pinaningkitan ko siya ng mata. Napakamanyakis niya talaga.

"Pahawak lang. Sakin din naman yan kapag nakasal tayo" natatawang usal ni Vyzon kaya naman inismiran ko siya.

"Nagbago na isip. Hindi na kita papakasalan!" singhal ko sa kaniya. Umiling naman si Vyzon bago lumapit muli sa akin.

Ang rail nalang ng veranda ang aking nasandalan. Hindi ko na magawang makawala ng lumapit siya sa akin dahil kinulong niya ako sa kaniyang bisig. Nakahawak ang kaniyang magkabilang kamay sa rail ng veranda. Napakagat labi naman ako ng seryoso akong tiningnan ni Vyzon.

"L-lumayo ka nga!" itinago ko ang kaba sa aking inis na boses. Hindi naman natigan si Vyzon.

Bumaba ang tingin ni Vyzon sa aking labi kaya naman mas lalong kumalabong ang aking dibdib. Napakagat naman ako sa aking labi. Pigil ang hininga ko ng mabilis na sinunggaban ni Vyzon ang aking labi.

Hindi naman ako pumalag dahil sa sarap ng kaniyang halik. Aggressive but at the same time passionate. Iba't ibang damdamin ang nabuhay sa aking puso. Kinagat ni Vyzon ang ibabang labi ko bago muli itong pasukin.

Napapaungol na lamang ako sa sensasyon ng kaniyang halik.

"I love you" sabay naming wika ng kumuha kami ng hangin.

Bumaba ang halik ni Vyzon sa aking leeg. Napatingala na lamang ako. Hindi ko mawari ang kiliting binibigay ng kaniyang mga halik. Nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman ko na naman ang kamay ni Vyzon sa aking kanag dibdib habang ang isang kamay niya ay naglalaro sa aking hita.

Hindi ko maipaliwanag ang sarap na nararamdaman ko. Unti-unting binaba ni Vyzon ang suot kong bistida ngunit bago pa iyon matanggal sa aking katawan ay umalingaw-ngaw ang marahas na katok sa silid ni Vyzon.

Sa gulat ko ay naitulak ko ng malakas si Vyzon kaya napaupo siya sahig. Inayos ko ang aking sarili at tumikhim. Inis naman na tumayo si Vyzon. Madilim ang mukha na para bang nagpipigil ng galit. Natawa nalang ako dahil sa reaksyon niya.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon