Chapter 18

21.3K 787 22
                                    

Chapter 18

Nasa rooptop kami ng infirmary. Walang pumupunta sa lugar na ito kaya napagpasyahan kong dito nalang makipag-usap kay Macy. Nanatili kaming nakatingin sa malawak na field at walang nagsasalita. Ihip lang ng hangin ang tanging maririnig.

Tumikhim ako upang agawin ang atensyon ni Macy sa mga estudyanteng nasa field. Hindi na siya ang Macy na nakilala ko. Yung tipong masayahin at palangiti. Ang nakikita kong Macy ngayon ay ibang-iba na.

"Ano ang dapat nating pag-usapan Trix?"

Walang gana niyang tanong sa akin. Huminga naman ako ng malalim. Hindi ko alam kung umaarte lang ba talaga siya na parang walang alam sa akin o wala talaga siyang alam dahil hindi sinasabi ni Aran sa kanya.

"Ano ang pakay mo sa lugar na ito?"

Tanong ko sa kanya. Naagaw ko naman ang kanyang atensyon dahil tumingin siya sa akin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo"

Agad niya akong tinalikudan pero hindi pa siya nakakahakbang ay tumigil na ang katawan niya. Pinilit niyang maglakad pero walang nangyayari sa kanya.

"Alam mo ang sinasabi ko Macy"

Pinakawalan ko na siya kaya agad siyang humarap sa akin na nakakunot ang noo. Litong-lito sa aking ginawa. Wala nga siyang alam.

"Paano?"

Hindi makapaniwalang tanong niya. Umiling naman ako.

"Sagutin mo ang tanong ko"

Pakiramdam ko ay unti-unting napipigtas ang aking pasensya dahil ayaw pang magsalita ni Macy.

"Hindi mo pwedeng malaman. Madadamay ka lang"

Seryoso niyang sabi na ikinatawa ko. Nagtaka pa siya sa aking reaksyon. Hindi ako madadamay dahil sa una pa lang kasali na talaga ako.

"Alam kong pinadala ka ng dark mage dito Macy. Maloloko mo sila pero hindi ako"

Bumakas ang takot at gulat sa mukha ni Macy. Tila hindi inaasahan na may alam ako tungkol sa kanya. Nagtataka ako kung bakit hindi sinabi ni Aran sa kanya ang tungkol sa akin.

"Tama ka. Isa nga akong dark mage"

Nawala ang takot sa kaniyang mukha at napalitan ng isang nakakalokong ngisi. Ako naman ngayon ang nagulat. Hindi ko alam na dark mage siya. Ang pagka-kaalam ko lang ay hawak siya ng mga ito at hindi isa sa kanila.

"Nandito ako para kunin ang libro ng Crystalline Diamond Stone. Kung ayaw mong mapahamak huwag kang makialam. Wala kang alam"

Tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo. Hindi ko na siya pinigilan. Tinitigan ko ang pwestong kinatatayuan niya kanina. Huminga naman ako ng malalim. Hindi niya matatagpuan iyon dahil nakabaon na iyon sa lupa.

Nang bumaba ako ay naglakad ako papunta sa may garden sa tabi ng main-building. Bumuntong hininga ako at umupo sa isa sa mga benches. Walang tao ngayon sa garden na ito.

Pumikit ako at dinama ang sariwang hangin. Nakaramdam ako na may matang nakatingin sa akin kaya mabilis kong iminulat ang aking mata. Natagpuan ko si Vyzon sa aking tabi at mariin akong tiningnan.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang aming paningin. Agad akong umiwas sa nakakapaso niyang titig.

"What're you doing here?"

Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi pero ng mapansin kong nag-aantay siya sa sasabihin ko ay napabuntong hininga nalang ako.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon