Chapter 33

26K 965 54
                                        

Chapter 33

Inilibot ko ang aking paningin. Patay na ako hindi ba? Nagtagumpay na sila. Sigurado ako sa bagay na iyon. Pero magaan ang pakiramdam ko. Walang kahit na anong bigat sa aking damdamin. Siguro ay ganito talaga kapag tanggap mo na na patay kana.

Nasa may lawa ako. Kung saan isang beses na nag-usap kami ni Mesharie. May isang puno na ang dahon ay kulay ginto at pilak. Napapalibutan din ito ng goldent at silver dust. Ang gandang pagmasdan.

Sa harap ko naman ay may lawa. Sobrang linaw ng lawa na iyon na maging ang ilalim ay nakikita na. Madaming bato at mga corals na may iba't ibang kulay.

Nakaupo ako sa may bato na nasa harap lang ng tubig. Sa hindi kalayuan ay may bato rin kung saan nakaupo noon si Mesharie. Malambot din ang halaman na aking natapakan kanina. Wala akomg suot na pampaa at tanging puting bistida lang ang aking suot na lagpas tuhod.

Napangiti ako ng makita ko si Mesharie na umupo sa aking tabihan. Pumulot ako ng bato at inihagis iyon sa lawang aking nasa harapan.

"Nasubukan mo na bang tumawid sa lawang yan?" biglang tanong sa akin ni Mesharie. Napatitig naman ako sa may lawa.

Ang tanging nakikita ko lamang ay walang katapusan na tubig at liwanag. Umiling naman ako dahil hindi pa naman ako nagtatagal sa lugar na ito.

"Ikaw ba, nasubukan mo ba?" tanong ko kay Mesharie. Ngumiti naman siya bago umiling.

"Hindi. Hindi ako pwedeng tumawid sa lawa na iyan" saad ni Mesharie kaya naman nagtaka ako.

"Bakit naman hindi pwede?" tanong ko sa kaniya. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kaniyang mapulang labi.

"Dahil sa ating dalawa. Isa lang ang pwedeng tumawid sa lawang yan" usal ni Mesharie kaya naman napatitig ako sa kaniya. "At ikaw iyon Yngrid" usal ni Mesharie. Hindi ko naman alam kung bakit ako napangiti.

"Hindi ko pa rin maintindihan ang isang bagay Mesharie" usal ko makalipas ang ilang minuto.

"Ano iyon?" tanong niya sa akin. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa maaliwalas na kalangitan.

"Bakit sabay tayong namatay? Kung hindi ba ako mamamatay ay hindi ka rin ba mamamatay?" tanong ko kay Mesharie. Nginitian naman niya ako.

"Hindi ba't alam mo naman na ang ating kapangyarihan ang buhay natin"

Tumango ako. Alam ko nga ang bagay na iyon dahil sa iisa lang naman kaming mundo galing.

"Matagal na dapat akong patay Yngrid kaso sinagip ng magulang mo ang buhay mo noong sanggol ka pa lamang. Dapat ay hindi ka rin nabuhay sa mundo ng mahika. Iyon ang dahilan kung bakit napasayo ang Dark Golden Magic"

Naguguluhan naman na napakunot ang noo ko. Matagal na din dapat akong patay? Dati pa lamang ay sabay na talaga ang aming pagkamatay? Hindi ko maintindihan.

"Nang mamatay ang Dark King ay siyang pagkabuhay mo na hindk dapat nangyari. Sayo napunta ang Dark Golden Magic na orihinal na kapangyarihan ng Dark King. Iyon ang puno't dulo ng lahat"

Ngayon, malinaw na sa akin. Kaya hindi dapat ako nabuhay upang walang makakuha ng Dark Golden Magic. Hindi naman iyon alam ng totoo kong mga magulang kaya iniligtas nila ako sa binggit ng kamatayan.

"Isang taon matapos sana ang pagkamatay mo noon kasabay ng sa akin ay muli kang isisilang na tinataglay ang kapangyarihan ko. Iyon ang dahilan kung bakit tayo kailangan na sabay na mamatay. Upang mapasa ko ng maayos sa aking napiling nilalang ang Light Golden Magic" usal ni Mesharie na siyang ikinabigla ko.

Magical Light Academy: The HolderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon