Chapter 28
Hapon ng pumasok si Hestia sa aming dorm kasama ang isang pamilyar na mukha. Isa iyon sa tauhan ng kaniyang Nana Yuning. Parehas kaming napakunot ng noo ni Helena.
"Siya ang mag-aayos sa inyong dalawa. Siya si Julie" nakangiting usal ni Hestia. Masaya rin na nakangiti sa akin si Julie.
"Maaga pa naman diba?" tanong ko kay Hestia dahil hapon pa lang naman. Sinimangutan niya naman ako.
"Hapon na nga kaya kailangan na kayong ayusan na dalawa para hindi kayo malate" usal ni Hestia kaya naman napatango ako. Siguro matagal ang pag-aayos na kailangan namin gawin.
"Sabay ba tayong pupunta sa Grand Hall?" tanong sa akin ni Helena habang siya ay nakangiting pinagmamasdan ang itim niyang gown na may silverdust kaya kumikinang ito.
"Oo. Bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat naman siya bago ako balingan ng tingin.
"Akala ko, susunduin ka pa dito ni Vyzon" sabi niya sa akin. Umiling naman ako dahil ang usapan naming dalawa ay sa Grand Hall na ako maghihintay dahil titingnan niya muna ang house na pinuntahan namin kung nasaan ang bato.
Hindi na muling nagsalita si Helena dahil inaayusan na siya ni Julie. Madaming kolorete ang nilalagay sa kaniyang mukha na sa tingin ko ay ganon din ang gagawin sa akin.
Nagutom naman ako kaya napagpasyahan ko munang pumunta sa cafeteria. Hindi naman nagtanong si Helena dahil hindi din siya makapagsalita. Nang makalabas ako sa dorm ay nakita ko agad si Macy. Hindi ko alam na nandito pa rin siya. Tapos na ang kaniyang mission pero anong ginagawa niya pa rin dito?
Hindi ko na lamang siya pinansin at tumungo na lamang sa cafeteria. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung alam niya na ba kung bakit din ako nandito o hindi pa.
"Huy!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot sa aking tabi si Jake. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa naman siya. Sinabayan niya naman ako sa paglalakad.
"Bakit hindi ka nasuko sa kakahanap sa kapatid mo Jake?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya pero nasa daan pa rin ang kaniyang paningin.
"Kasi nararamdaman ko na buhay pa sila. Susuko lang siguro ako kapag hindi na ako nahinga" tumatawang saad ni Jake. Kahit tumawa siya ay hindi non maitatago ang lungkot sa kaniyang tono.
"Naniniwala din akong buhay sila at ligtas" sabi ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin bago ngumiti.
"Salamat. Iyan din ang laging sinasabu sa akin nina Hestia kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa" usal niya. Napangiti naman ako.
"Matagal mo na silang kaibigan?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa tanong ko.
"Matagal na. Bata pa lang kami ay kami na ang magkakasamang tatlo. Hindi ko nga alam kung bakit kami nagkasundo-sundo basta masaya kami pag magkakasama kami" masayang kwento niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako.
"Yuan at Vyzon. Paano sila naging magkaibigan?" tanong ko sa kaniya dahil hindi sumagi sa aking alaala si Yuan. Ibig sabihin ay hindi pa siya kilala ni Vyzon noong magkasama pa kaming dalawa.
"Ah! Apat na taon na ang nakakaraan noong una silang magkakilala. Pasaway, pilyo, masungit at laging gumagawa ng gulo si Vyzon. Ilang classroom na ba ang nasunog noong lalaking iyon. Hindi ko na nga mabilang. Si Yuan naman ay transferee lang. Ang alam ko, nagkasundo lang sila sa paggawa ng gulo kaya sila naging matalik na magkaaway at magkaibigan" pahayag ni Jake. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kaniyang kwento. Tama nga ako na parehas ang hugis ng utak ng dalawang iyon.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
