Chapter 31
Third Person's Point of View
Maaliwalas ang kalangitan ngunit damang-dama ang kalungkutan at pangambang bumabalot sa Light Empire. Ano mang araw ay mabubuhay na ang hari ng kadiliman na kinatatakutang mangyari ng lahat.
Isang malaking uwak ang bumaba sa kalangitan na nagpabahala sa mga tao sa Academy. Nagsilabasan ang mga estudyante maging ang mga guro at headmaster. Naging alerto ang lahat sa kung anong pwedeng mangyari.
Nagulat si Headmaster ng bumaba sa malaking uwak ang dalawang maliit na batang babae. Namumugto ang mga mata na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Umalis na ang malaking uwak.
Inilibot ni Riri ang kaniyang paningin. Maaliwalas at maganda. Nagtataka siya kung bakit madaming tao ang nakapalibot sa kanila ni Rara. Agad niyang hinawakan ang kamay ng kambal.
Hindi naman umalis sa kinatatayuan ang kambal kung saan sila iniwan ng dambuhalang uwak. Nagsimula ng maglakad si Headmaster sa dalawang bata. Namamangha naman na napatitig si Mr. Miffor sa dalawang bata. Sigurado siyang ito ang pinalabas na kapatid ni Trix Yngrid Miwora.
Wala naman naramdaman si Headmaster na panganib sa dalawa. Sigurado siyang mabubuti ang mga ito. Nang makalapit si Headmaster sa dalawang batang babae ay lumuhod ito upang mapantayan ang dalawa.
"Anong pangalan niyo?" usal ni Headmaster. Nagkatinginan naman si Riri at Rara bago sumagot.
"Riri"
"Rara"
Sa isang banda. Nakatulala naman si Jake sa dalawang batang babae na kambal. Hindi siya pwedeng magkamali. Sigurado siya na ang dalawang iyon ay ang kaniyang matagal ng hinahanap na kapatid.
Natauahan lang siya ng sabihin ng dalawang bata ang kanilang ngalan. Kung ganon nga, tama siya. Hindi na siya nagdalawang isip pa at nilapitan na ang dalawang bata na sina Riri at Rara.
"Jake!" gulat na pahayag ni Headmaster nang bigla na lamang itong sumulpot sa kaniyang tabi.
Napakunot naman si Rara dahil iyon ang pangalan na sinabi sa kaniya ng kaniyang Ate. Napanguso ang maliit niyang labi bago naglakas loob na magsalita.
"Kuya. Ikaw ba si Jake Scott?" tanong ni Rara gamit ang kaniyang maliit na boses. Parang hinaplos naman ang puso ni Jake ng tawagin siyang kuya ng kaniyang kapatid. Tumango si Jake. Pilit na nilalabanan ang pagtulo ng kaniyang luha.
"Ako nga. Rara" usal ni Jake. Ngumiti naman ang paslit na si Rara. Iniabot nito ang papel na pinapabigay ng kaniyang Ate.
Nagtataka man si Jake ay tinggap niya pa rin ang mukhang sulat. Binuksan naman ni Jake ang papel. Halos manlaki ang mata niya sa gulat ng mabasa iyon.
Alagan mo sila Jake. Pasensya na kung kasama ko sila nitong nakalipas na apat na taon samantalang ang tunay na kapatid naman nila ay walang tigil sa paghahanap. Matalinong bata si Riri at Rara. Sinabi ko na sa kanila na ikaw na ang mag-aalaga sa kanila tutal ikaw naman ang totoong kapatid. Alam kong hindi mo sila pababayaan. Sabihin mo din kay Hestia at Kate na huwag silang mag-alala sa akin dahil matatapos na din ang aking paghihirap. Masaya ako na nakilala ko kayong tatlo pati na rin ang lokong si Yuan. Salamat--
Hindi na napigilan ni Jake ang mapaiyak kaya naman nagtataka siyang tiningnan ng kambal at ni Headmaster.
Nagtatakbong nilapitan ni Hestia at Kate ang umiiyak na si Jake. Nangungunot noo silang napatingin sa hawak nitong sulat. Hindi man magtanong si Hestia ay alam niya kung ano ba ang nangyayari.
"Mabubuhay pa naman siya hindi ba?" wala sa sariling tanong ni Kate na ang tinutuloy ay si Yngrid. Bumuntong hininga si Hestia bago tumingin kay headmaster na ngayon ay nakatayo na.
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasySynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...