Chapter 14
Hinihingal akong nakarating ng dorm. Napatingin agad sa akin si Helena na busy na naman sa pagbabasa ng libro. Hindi siya pumapasok sa klase. Siya ay Section C. Kaklase niya si Theo at Thea. Iyon ang sinabi niya sa akin.
"Anong nangyari sayo?"
Tanong niya sa akin dahil nahalata niya na galing ako sa matinding pagtakbo. Nagkibit balikat lang naman ako. Umupo ako sa aking kama.
"Ano yan?"
Tanong sa akin ni Helena. Ipinakita ko muna sa kanya ang libro bago ko sinagot ang tanong niya.
"Book of Crystalline Diamond Stone"
Tumango naman siya at sinaraduhan ang kanyang librong binabasa kanina. Agad siyang lumapit sa akin at tinabihan ako. Dahil alam na niya ang aking sikreto ay wala na akong dahilan para maglihim pa sa kanya.
"Anong balak mong gawin dyan?"
Awtomatiko na napairap ako dahil sa kantang tanong.
"Ano bang ginagawa sa libro? Diba binabasa. Ito lang ang paraan para malaman ko kung saan matatagpuan ang crystalline stone"
Agad ko itong binuklat. Kumot ang noo ko. Mabilis kong binuklat ang bawat pahina habang nagtataka ang aking mga mata.
"Bakit blangko? Bakit walang nakasulat?"
Huminga naman ng malalim si Helena. Para bang alam niya kung bakit walang laman ang librong ito.
"Ang librong iyan ay hindi pangkaraniwan. Nandyan ang proseso kung paano paganahin ang crystalline diamond stone. Nakasulat din sa librong iyan kung paano gawin ang ritwal upang bumuhay ng patay at tanging ang may hawak lang ng kapirasong bahagi ng crystalline diamond stone ang tanging makakabasa ng librong iyan"
Naguguluhang napatingin naman ako kay Helena. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi.
"Anong kapirasong bahagi?"
Nagtataka kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga naman siya dahil alam niyang wala akong maintidihan sa pinagsasabi niya.
"Noong panahon na nabubuhay pa ang Dark King. Ang Crystalline Diamond Stone ang humahati sa Light at Dark Empire. Nasa pagitan ang mahiwagang bato na iyon ng dalawang emperyo. Nalaman ng Dark Empire na pwede rin nilang masakop ang Light Empire sa pamamagitan ng Crystalline Diamond Stone. Hindi nagustuhan ng Hari ng Light Empire ang balak na gawin ng Dark Empire. Iyon ang nagsimula ng hidwaan ng dalawang emperyo. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan nilang dalawa. Pilit na kinukuha ng Dark Empire ang Crystalline Diamond Stone at patuloy naman itong pinoprotektahan ng Light Empire para na rin sa ikabubuti ng Dark Empire ngunit hindi ito naintindihan ng Dark Empire.
Ginawa nila ang lahat upang matanggal ang Crystalline Diamond Stone sa dapat na pinaglalagyan nito. Nagtagumpay naman sila dahil natanggal nila ang Crystalline Diamond Stone sa tuktok ng Magical Mount na matatagpuan sa pagitan ng dalawang emperyo. Lumutang ang Crystalline Diamond Stone at naglabas ng matinding liwanag. Ang sino mang malapit sa kinalalagyan nito ay mamatay at magyeyelo ang katawan. Dahil ang Dark King ang pinakamalit dito ay sa kanya lahat napunta ang liwanag. Iyon ang ikinamatay ng hari ng Dark Empire.
Hindi nila iyon inaasahan. Nagdilim ang buong Dark Empire at hindi na kailan man sininagan ng araw. Ang Crystalline Diamond Stone ay Samabog pero nagawan ng Light King upang ito ay mabuo muli. Pero may nawawalang kapiraso ang Crystalline Diamond Stone. Nasa gitnang bahagi ng mahiwagang bato ang puwang na iyon. Ang taong may hawak ng kapirasong bato non ay magtataglay na mabasa ang nakasulat sa librong iyan at siya rin ang magpapanumbalik ng buhay ng Dark King kung magtatagumpay kang mahanap ang Crystalline Diamond Stone. Malaking gulo kapag nabuhay muli ang hari ng itim na emperyo."
BINABASA MO ANG
Magical Light Academy: The Holder
FantasíaSynopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their beloved Dark King. She's the most dangerous magician living in the Magical World. She has no intentio...
